From Goal to Strategy: 4 Steps in Retirement Planning
- retironaryo
- 4 hours ago
- 2 min read
Hindi sapat na basta lang nag-iinvest ka para sa retirement. Kailangan malinaw ang plano. Maraming tao ang basta naghuhulog ng pera sa kung anong investment na uso, pero hindi nila alam kung sapat ba ito para marating ang retirement fund na kailangan nila.
Sa retirement planning, may apat na mahalagang steps.
Una, alamin mo muna kung magkano ang gusto mong lifestyle cost pag retired ka na. Magkano ba ang kailangan mo bawat buwan para mabuhay nang komportable? Dito magsisimula ang lahat, dahil kung hindi malinaw ang target lifestyle mo, hindi rin malinaw ang target retirement fund mo.
Pangalawa, i-compute mo kung gaano kalaking retirement fund ang kailangan mo para pondohan ang lifestyle na iyon hanggang sa iyong life expectancy. Hindi puwedeng hula-hula lang. Kailangan alam mo kung magkano talaga ang pondong dapat mabuo para hindi ka maubusan ng pera habang ikaw ay nabubuhay.
Pangatlo, alamin mo ang required rate of return ng portfolio mo para marating ang target na retirement fund, base sa kaya mong i-invest regularly at sa haba ng panahon bago ka mag-retire. Napakahalaga nito dahil dito mo malalaman kung realistic ba ang plano mo. Kung mababa ang kayang i-invest at maikli na lang ang time horizon, baka kailangan mong taasan ang investment return, dagdagan ang ini-invest, o i-adjust ang target retirement lifestyle.

Pang-apat, saka ka pa lang dapat mamili ng tamang investment vehicles at asset allocation. Dito pumapasok kung bagay ba sa goal mo ang savings, bonds, MP2, mutual funds, index funds, o stocks. Hindi porke conservative ang isang investment ay iyon na agad ang tama. Hindi rin porke mataas ang potential return ng isang investment ay iyon na agad ang dapat piliin. Ang tamang investment ay iyong akma sa required rate of return mo, sa time horizon mo, at sa level of risk na kailangan mong tanggapin para maabot ang goal.
Sa madaling salita, ang retirement planning ay hindi nagsisimula sa pagpili ng investment. Nagsisimula ito sa pag-alam ng goal, pag-compute ng kailangan mong pondo, pag-intindi sa required rate of return, at saka pagpili ng tamang strategy.
Kung gusto mong seryosohin ang retirement planning mo, know your numbers first. Dahil ang tamang strategy ay nakadepende sa tamang numero.
Go to our website retironaryo.com to download your FREE Starter Kit so you can start building your retirement fund the right way.
Comments