top of page

Diversification is good… pero hindi lahat ng diversification ay makakatulong sa goal mo.

May mga investment gurus na nagsasabing dapat mag-diversify ka across countries para mabawasan ang country risk. Kaya imbes na puro U.S. lang, nire-recommend nila ang allocation sa Asia, Europe, at Emerging Markets sa pamamagitan ng ETFs.


Maganda pakinggan iyon. Pero may isang mahalagang tanong:

Makakatulong ba talaga ang allocation na iyan para marating mo ang financial goal mo?


Sa graph, makikita ang 10-year performance ng mga sumusunod na ETFs, with dividends reinvested:

  • US → IVV : Tracks the S&P 500

  • Asia → AIA : Tracks 50 of the largest Asian equities

  • Europe → IEV : Gives exposure to European equities

  • Emerging Markets → IEMG : Covers large-, mid-, and small-cap emerging market equities


Mapapansin mo na kahit positive naman ang return ng AIA, IEV, at IEMG, malayo pa rin sila sa naging performance ng IVV. Ibig sabihin, oo, nakapagbigay sila ng diversification, pero hinila rin nila pababa ang overall return ng portfolio.


At dito nagiging critical ang tamang asset allocation.

Ang diversification ay hindi lang para mabawasan ang concentration risk.

Dapat ginagawa rin ito nang hindi sinasakripisyo ang return na kailangan mo para maabot ang goal mo.


Kung ang goal mo ay retirement fund, educational fund, o long-term wealth building, hindi sapat na sabihing “diversified naman ako.” Ang mas importanteng tanong ay:

Ang expected return ba ng portfolio ko ay sapat para marating ang target ko?


Kaya bago mo sundin ang kahit anong recommended allocation, mag-compute ka muna. Tingnan mo kung ang expected return ng proposed portfolio ay akma sa iyong target amount, time horizon, at monthly investment capacity.


Hindi lahat ng mukhang safe ay tama para sa goal mo.

Minsan, ang sobrang diversification sa mababang-performing markets ang mismong dahilan kung bakit hindi mo maaabot ang target mo.


Bottomline:

Diversify with purpose.

Hindi basta para lang masabing diversified ka, kundi para ma-manage ang risk habang naaabot pa rin ang return na kailangan ng goal mo.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page