top of page

231% in 9 Months: Bakit Hindi Ito Kaya ng Dividend Stocks

Portfolio 1 Update: Focus on Lam Research (LRCX)

Maganda ang pasok ng taon para sa Portfolio 1.


Noong January 1, shinare ko na ang unrealized profit ay AU$13,932.82. Ngayon, January 10, umakyat na ito sa AU$14,942.08 — halos +AU$1,009 in just 10 days. Malaking bahagi ng pag-angat na ’to ay dahil kay Lam Research (LRCX).



Quick LRCX story:

Bumili tayo ng 10 shares noong April 22, 2025 sa presyong AU$978. Ngayon, ang value na nito ay AU$3,243.30. Ibig sabihin, si LRCX ay tumaas ng 231.63% in less than 9 months — grabe ang bilis ng appreciation.


Sa chart, kitang-kita rin na napasok natin siya sa isang malalim na retracement — at lumabas na parang “nasaktuhan” natin ang low point.


At dito pumapasok ang Segurista Strategy.

Hindi lang ito tungkol sa pagbili ng great companies (solid fundamentals + wide moat). Importante rin ang entry price — pagbili sa “fair” price.


Yes, subjective ang “fair price.” Kaya hindi kami umaasa sa P/E ratio o sa Discounted Cash Flow (DCF) na kadalasan ay mahaba at komplikado. Ang approach namin ay simple, practical, at repeatable — hindi kailangan ng advanced computation.


At klaro rin: hindi natin goal habulin ang pinaka-bottom.

Ang goal natin ay pumasok sa presyong “reasonable” para sa isang high-quality company… pero minsan, bonus na lang talaga kapag nasaktuhan natin ang pinakamababang point.


And let’s be real: you cannot get this kind of growth in dividend stocks.

Dividend investing can give you cash flow, yes — but 231%+ growth in less than 9 months usually comes from companies where the main reward is capital appreciation, not dividends.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page