Ang Compounding Nasa Reinvestment, Hindi Lang sa Dividend
- retironaryo
- Apr 19
- 1 min read
Kung may business ka at ang bahagi ng kinita mo ay nire-reinvest mo pabalik sa negosyo—halimbawa, pambili ng mas maraming stocks o inventory, o pambili ng equipment para mas maging efficient ang operations—at dahil doon ay mas lalo pang lumago ang kita ng business, masasabi mong nagco-compound ang perang ni-reinvest mo.

Ganoon din sa stock investing. Ang mga growth stocks na hindi nagbibigay ng dividend ay kadalasang nire-reinvest ang kita nila pabalik sa negosyo para palawakin ang operations, pagandahin ang products and services, at pataasin ang future earnings. Kapag naging successful ang reinvestment na ito, lumalago ang kumpanya at kadalasang tumataas din ang stock price.
Kaya hindi lang dividend-paying stocks ang may compounding. Sa growth stocks, nangyayari ang compounding sa loob mismo ng negosyo sa pamamagitan ng continuous reinvestment of earnings.
Sa pangkalahatan, mas mataas ang potential na mas mabilis ang paglago ng portfolio kung naka-focus sa growth stocks kaysa sa dividend-paying stocks—lalo na kung mahaba pa ang time horizon mo at hindi mo pa naman kailangan ng passive income ngayon.



Comments