Average down, paano ba ginagawa?
- retironaryo
- Apr 4
- 1 min read
Hindi porke bumaba ang presyo ng isang stock ay basta ka na lang mag-a-average down. Kapag ginawa mo ito nang padalos-dalos, baka lalo mo lang palakihin ang losses mo.
Ito ang 3 conditions ko bago ako mag-average down:

1) Dapat improving ang fundamentals.
Mas maganda kung hihintayin muna ang next financial report bago magdesisyon bumili ulit. Oo, posible na medyo tumaas na ang presyo paglabas ng report dahil kadalasan nauuna nang makaamoy ang malalaking institutional investors. Pero okay lang iyon. Hindi naman natin goal na masaktuhan ang pinaka-bottom ng market. Ang goal natin ay taasan ang chance na tama ang dagdag-bili natin.
2) Gumamit ng technical indicators para matukoy ang support levels.
Doon ka bibili sa mas may saysay na levels, hindi yung dahil lang “mura na tingnan.” Importante na may batayan ang entry mo.
3) Magdagdag lang ng shares within your budget.
Kung hindi pa schedule ng buying mo o ubos na ang investing budget mo, huwag kang mangungutang para lang makadagdag ng position. Hintayin mo ang next payday mula sa regular income mo. Dapat disiplinado pa rin ang pag-invest.
Ang average down ay hindi simpleng pagbili dahil bagsak ang presyo. Dapat ginagawa ito nang may tamang proseso, malinaw na dahilan, at disiplina.
Para maintindihan nang mas detalyado kung paano ito ginagawa sa strategy ng Retironaryo, puwede kang mag-enroll sa aming online course, “A No-Nonsense Guide to Stock Investing.”
Pumunta lang sa retironaryo.com para sa detalye.



Comments