Bakit Hindi Pareho ang Strategy ni Warren Buffett at Strategy ng Ordinary Investor?
- retironaryo
- May 8
- 2 min read
Maraming nalilito kapag nakikita nilang malaki ang cash position ng Berkshire Hathaway.

Ang tanong ng iba:
“Kung naniniwala si Buffett sa equities, bakit ang dami niyang cash?”
Magandang tanong. Pero kailangan nating intindihin ang context.
Hindi pareho ang sitwasyon ng Berkshire Hathaway at ng isang ordinaryong tao na nagbu-build pa lang ng retirement fund.
Ang Berkshire Hathaway ay isang giant company. Billions of dollars ang hawak nila. Kapag bibili sila ng investment, hindi simpleng bibili lang sila ng ilang shares. Kadalasan, kailangan nilang bumili ng malaking stake, minsan buong kumpanya pa. Dahil sobrang laki ng perang mina-manage nila, hindi sila basta-basta makakapasok at makakalabas sa market.
Kailangan din ng Berkshire ng malaking cash dahil meron silang insurance businesses, operating companies, possible acquisitions, at liquidity requirements. Ibig sabihin, ang cash nila ay hindi lang “waiting money.” Parte ito ng kanilang business operations and capital allocation strategy.
Pero ikaw na ordinary investor, iba ang sitwasyon mo.
Hindi mo kailangang bumili ng buong kumpanya. Hindi mo kailangang mag-deploy ng billions of dollars. Hindi mo kailangang maghintay ng perfect opportunity para makabili ng malaking negosyo.
Ang kailangan mo ay simple:
Mag-invest consistently.
Mag-cost average.
Magkaroon ng long-term mindset.
Hayaan ang compounding na gumana over many years.
Kaya magkaiba ang tanong.
Para sa Berkshire, ang tanong ay:
“Saan namin ilalagay ang billions of dollars na may magandang return at acceptable risk?”
Pero para sa ordinary investor building a retirement fund, ang tanong ay:
“Paano ako makakapag-ipon at makakapag-invest consistently para lumago ang pera ko over 20, 30, or 40 years?”
Magkaibang problema. Magkaibang strategy.
Kaya kahit malaki ang cash ng Berkshire, hindi ibig sabihin noon na ang ordinary investor ay dapat tumigil na sa investing or mag-short ng market.
Shorting the market is not investing. It is speculation. Napaka-risky nito lalo na kung hindi mo alam ang timing. Puwede kang tama na overvalued ang market, pero kung mali ang timing mo, talo ka pa rin.
That is why Buffett’s advice to ordinary investors remains simple and practical:
Buy a low-cost S&P 500 index fund and hold it long term.
Hindi niya sinasabing walang volatility. Hindi niya sinasabing hindi babagsak ang market. Ang sinasabi niya, over the long term, productive businesses are better wealth builders than cash or bonds.
Ang Berkshire ay naghihintay ng malalaking opportunities.
Pero ang ordinary investor ay hindi kailangang maghintay ng “perfect timing.” Ang mas importante ay time in the market, discipline, and consistency.
Kaya huwag mong kopyahin ang ginagawa ng Berkshire kung hindi naman pareho ang sitwasyon mo.
Ang dapat mong kunin kay Buffett ay hindi kung gaano kalaki ang cash ng Berkshire.
Ang dapat mong kunin ay ang kanyang simple advice para sa ordinary investors:
Own equities. Use low-cost index funds. Stay invested. Think long term. Let compounding do the work.



Comments