Mas Malakas ang Kultura ng Sugal Kaysa Kultura ng Investing

Online gambling can be very addictive.
Hindi lang ito dahilan para mabaon ang isang tao sa utang. Maaari rin nitong sirain ang pamilya, relasyon, trabaho, peace of mind, at sa pinakamasakit na pagkakataon, maging dahilan pa para may taong mawalan ng pag-asa at wakasan ang sariling buhay.
Pero ang “online gambling” ngayon ay hindi lang limitado sa mga sugal apps o online games gaya ng Scatter.
Minsan, mismong mga investing platforms—local man o international—ay nagiging daan din para magsugal ang mga tao.
Kapag ang mindset ay:
“Bili ako ngayon, baka tumaas bukas.”
“Lagay ko lahat dito, baka doble agad.”
“Sunod lang ako sa hype.”
“Hindi ko na kailangan mag-aral, basta may signal.”
Hindi na investing iyon.
Sugal na iyon.
Ang problema, maraming tao ang hindi naturuan ng tamang investing. Mas exposed sila sa easy money, quick profit, trading hype, crypto hype, casino apps, online betting, at kung anu-anong “pakitaan ng kita.”
Kaya mas lumalakas ang kultura ng sugal kaysa kultura ng tunay na investing.
Sa Retironaryo, ang gusto nating ituro ay kabaligtaran nito:
Hindi quick money.
Hindi hype.
Hindi sugal.
Hindi stock tips.
Kundi goal-based, long-term, disciplined investing para makabuo ng retirement fund.
Dahil ang pera na pinaghirapan mo, hindi dapat inuubos sa pag-asa na “baka tumama.”
Dapat ginagamit ito para bumuo ng kinabukasan.
Kung may kakilala kang nalululong sa sugal o nawawalan na ng pag-asa dahil sa utang, huwag natin silang husgahan agad. Mas kailangan nila ng tulong, kausap, at suporta.
Mas masakit ang epekto ng sugal kaysa sa iniisip ng marami.
Kaya dapat mas palakasin natin ang kultura ng financial literacy, investing education, at responsible money management.
Mag-invest, huwag magsugal.
Mag-aral muna bago maglagay ng pera.
Build your retirement fund the Retironaryo way.



Comments