top of page

Hindi natin masisisi ang mga magulang natin.

Marami sa kanila ang lumaki sa panahong ang itinuro lang ay:

“Mag-aral ka nang mabuti.”

“Maghanap ka ng stable na trabaho.”

“Mag-ipon ka kung may sobra.”

“Umiwas ka sa utang.”


At hindi mali iyon. Ginawa nila ang best nila base sa alam nila.

Pero ang problema, wala ring nagturo sa kanila kung paano mag-invest. Hindi nila naipasa sa atin ang knowledge tungkol sa stock investing dahil malamang, hindi rin nila ito natutunan.


Noon, hindi rin ganoon ka-accessible ang stock market sa ordinaryong tao. Kailangan mo ng broker, malaking kapital, at mas mahirap kumuha ng tamang impormasyon. Kaya para sa karamihan, ang investing ay parang pang-mayaman lang.


Pero iba na ngayon.

May internet na. May online platforms na. May mga global funds na pwedeng simulan kahit maliit ang halaga. May access na tayo sa information na dati ay hindi madaling makuha.


Kaya kahit late na tayo nagsimula, hindi pa huli.

Ang mas mahalaga ngayon ay huwag na nating ipasa sa susunod na generation ang parehong kakulangan sa financial knowledge.

Kung wala tayong natutunan noon, matuto tayo ngayon.

Kung nagsimula tayo sa zero, gawin nating hindi na magsisimula sa zero ang mga anak natin.

Kung paycheck to paycheck ang naging buhay ng marami sa atin, sikapin nating baguhin ang ending ng story natin.


Pero siyempre, hindi sapat ang basta “mag-invest ka lang.”


Dapat alam mo rin:

Magkano ang kailangan mong retirement fund?

Magkano ang dapat mong i-invest monthly?

Anong required rate of return ang kailangan mo?

Sapat ba ang current savings and investments mo?

Hanggang kailan tatagal ang retirement fund mo once mag-retire ka?


That is why we created The Retironaryo Ultimate Retirement Calculator.


Gamit ang calculator na ito, mas makikita mo kung nasaan ka ngayon, saan mo gustong makarating, at anong adjustments ang kailangan mong gawin para mas maging realistic ang retirement plan mo.


Try it here:


At kung kailangan mo ng tulong gumawa ng mas detailed at comprehensive retirement plan, Retironaryo can help you through practical retirement planning guidance, stock investing education, portfolio strategy discussion, and personalized coaching based on your goals, timeline, risk appetite, and investing knowledge.


You may contact us at retironaryo.com and book a free 30-minute consultation to discuss how we can help you.


Hindi natin kasalanan kung late tayo natuto.

Pero responsibility na natin kung hahayaan pa rin nating hindi tayo matuto.


Start learning. Start planning. Start investing wisely.


Retironaryo

Aral. Ipon. Invest. Retiro.


Educational purposes only. This is not personal financial advice.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page