Bata ka pa, pero...TOO SAFE IS RISKY!
- retironaryo
- Apr 11
- 2 min read
Understanding Your Risk Tolerance
Marami ang nagsasabi:
“Kung mababa ang tolerance mo sa volatility, sa low-risk investments ka lang.”

Mukhang safe pakinggan.
Pero para sa isang young person na nagbu-build pa lang ng retirement fund, hindi ito laging tamang advice.
Bakit?
Kung more than 20 years pa ang time horizon mo, ang pinaka malaking risk ay hindi lang market volatility.
Ang mas malaking risk ay baka hindi mo mabuo ang retirement fund na kailangan mo.
Kapag puro low-risk, low-return investments lang ang pinili mo dahil ayaw mo makakita ng temporary ups and downs, baka “safe” nga ang pakiramdam mo today… pero delikado naman ang future mo.
Kasi habang mababa ang return ng investment mo, mas mabagal lumaki ang pera mo.
At kapag mabagal lumaki ang pera mo sa loob ng 20, 25, o 30 years, puwedeng kulangin ito pagdating ng retirement.
So ano ang punto?
Hindi sapat na ang basehan mo lang ay ang risk tolerance mo.
Dapat maintindihan mo rin ang risk required.
Meaning:
Anong level ng return ang kailangan mo para marating ang target retirement fund mo?
Dahil minsan, ang pagiging sobrang conservative habang bata ka pa ay hindi safe.
It is actually risky.
Oo, volatile ang stock market.
Pero kung mahaba pa ang panahon mo, may oras ka para malagpasan ang short-term volatility.
Ang problema, kung sobrang baba naman ng return ng investment mo, baka dumating ang retirement mo na kulang pa rin ang ipon mo.
Kaya ang tamang tanong ay hindi lang:
“Gaano kalaking volatility ang kaya kong tiisin?”
Ang mas mahalagang tanong ay:
“Anong return ang kailangan ko para magkaroon ako ng komportableng retirement?”
Sa retirement planning, hindi lang dapat aligned ang investment sa emotions mo.
Dapat aligned din ito sa goal mo.
Go to retironaryo.com to download your FREE starter kit para masimulan ng tama ang pag build ng retirement fund.



Comments