top of page

“Buy Low, Sell High” — Madaling Sabihin, Mahirap Gawin

May 12
2 min read

“Buy low, sell high.”

“Do not buy kapag all-time high. Antayin mong bumaba muna.”


Maganda pakinggan. Simple. Parang common sense. Kaya maraming newbies ang naeengganyo. Akala nila ganun lang kadali ang stock investing.

Bibili ka kapag mura. Ibebenta mo kapag mahal. Easy money. Mabilis yayaman.


Pero ang tanong:

Paano mo malalaman kung low na talaga?

Paano mo malalaman kung high na talaga?

Paano kung ang inaantay mong correction ay hindi dumating?

Paano kung bumaba nga, pero mas lalo ka namang natakot bumili?


Diyan nagsisimula ang problema.

Maraming nagsasabing “wait for correction,” pero kapag nag-correct naman ang market, hindi rin bumibili. Bakit? Kasi natatakot. Kasi puro bad news. Kasi iniisip nila baka bumagsak pa lalo.


Tapos kapag tumaas ulit, sasabihin na naman, “Sayang. Dapat bumili ako noon.”

Paulit-ulit lang.


Ang totoo, ang “buy low, sell high” ay madaling slogan pero mahirap strategy. Kailangan mo ng system. Kailangan mo ng valuation. Kailangan mo ng understanding sa business o fund na binibili mo. Kailangan mo ng emotional discipline.


Kung wala ka niyan, ang “buy low, sell high” ay madalas nauuwi sa:

Buy late, sell scared.


Lalo na kung ang strategy mo ay cost averaging at long-term investing, hindi mo kailangang hulaan ang perfect bottom. Ang mas importante ay alam mo kung bakit ka nag-iinvest, saan invested ang pera mo, gaano katagal ang time horizon mo, at ano ang goal mo.


Kung broad market index fund o quality growth fund ang binibili mo, at ang goal mo ay retirement fund 10, 20, or 30 years from now, hindi mo kailangang ma-stress sa bawat all-time high.


Kasi sa long-term investing, maraming all-time high ang mangyayari. Ang isang all-time high ngayon ay pwedeng maging “cheap price” after 10 years.

Hindi ibig sabihin bumili ka na lang basta-basta. Hindi rin ibig sabihin balewalain ang risk.


Ang ibig sabihin:

Huwag gawing investment strategy ang paghihintay sa correction kung wala ka namang malinaw na plano kung kailan ka bibili.


Newbie investors should not be attracted to slogans. They should be attracted to education.

Before you ask, “High na ba ito?”


Ask first:

Ano ba ang goal ko?

Ilang years pa ang time horizon ko?

Magkano ang kailangan kong retirement fund?

Anong rate of return ang kailangan ko?

Anong strategy ang bagay sa goal ko?


Kasi ang tunay na risk ay hindi ang bumili ka sa all-time high.

Ang tunay na risk ay ang ilang taon kang naghihintay sa perfect entry, pero hindi ka naman nagsisimula.


Hindi ka yayaman sa kakahintay. Yayaman ka sa tamang edukasyon, tamang strategy, disiplina, at mahabang panahon ng pag-iinvest.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page