top of page

Compounding Works Even Without Dividends!

May nagsabi minsan:

“Compounding applies to investments that give dividends and reinvesting it back to the company.”


Hindi ito ganap na tama.

Ang compounding ay hindi lang nangyayari sa dividend-paying companies.

Totoo na kapag ang isang kumpanya ay nagbibigay ng dividends, puwedeng mangyari ang compounding kapag ang investor ay nirereinvest ang dividends para bumili ulit ng shares.


Pero hindi ibig sabihin na walang compounding kapag walang dividends.

Sa katunayan, maraming growth companies ang hindi nagbibigay ng dividends.


Bakit?

Dahil ang kinikita ng kumpanya ay nire-reinvest nila pabalik sa negosyo, halimbawa:

  • pagpapalawak ng operations

  • pagdevelop ng bagong products

  • research and innovation

  • acquisitions ng ibang companies


Kapag maayos ang paggamit ng kumpanya sa kanilang earnings, lumalaki ang negosyo at tumataas ang kita over time.

At kapag tumataas ang earnings ng kumpanya, tumataas din ang value ng kumpanya, kaya tumataas din ang stock price.

Compounding pa rin iyon.


Sa madaling salita:

Dividend companies.  Compounding happens kapag nirereinvest mo ang dividends.

Growth companies.  Compounding happens kapag ang kumpanya mismo ang nagre-reinvest ng earnings internally.


Habang tumatagal, ang returns ay nagge-generate ng mas maraming returns, kaya nagiging exponential ang growth ng investment.


Kaya mapapansin ninyo na marami sa pinakamalalaking companies sa mundo ay matagal na hindi nagbibigay ng dividends.


Mas pinipili nila na palaguin muna ang negosyo, at doon nagmumula ang malakas na compounding sa stock price.


Para sa long-term investors na nagbu-build ng retirement fund, ang isa sa pinakamalakas na compounding ay nangyayari kapag ang kita ng isang mahusay na kumpanya ay nananatili sa loob ng kumpanya at patuloy na lumalago sa loob ng maraming taon.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page