CTS GLOBAL EQUITY GROUP: Dividend ba talaga ang sagot?
- retironaryo
- May 7
- 2 min read
Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako tumitingin sa dividends as my main basis when buying a stock.

Ang stock na ito ay CTS Global Equity Group. Noong mga nakaraang taon, maaaring marami ang na-attract dahil nagbibigay ito ng dividends. Pero kung titignan natin ang chart, malinaw ang mas importanteng tanong:
Kahit may dividends, kumusta naman ang capital mo?
Kung bumili ka ng stock dahil lang sa dividend yield, pero ang presyo naman ay tuloy-tuloy na bumabagsak, maaaring ang nangyari ay parang binigyan ka ng maliit na “kita” habang unti-unti namang nauubos ang mas malaking bahagi ng iyong puhunan.
At kung titingnan din ang kanilang financial statements, makikita na ang business is not doing well. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit bumabagsak ang stock price. The market is not stupid. Most of the time, may dahilan kung bakit bumababa ang presyo ng isang kumpanya.
Kaya hindi porke mura ang stock, okay na agad bilhin.
Mura ba dahil undervalued?
O mura dahil deteriorating ang business?
Magkaiba iyon.
Ito ang madalas na hindi nakikita ng mga dividend chasers. They focus on the dividend yield, but they ignore the business behind the stock.
They ignore the financial statements.
They ignore the trend of earnings.
They ignore the sustainability of dividends.
They ignore the stock price direction.
They ignore total return.
At the end of the day, ang tunay na tanong ay hindi lang:
“Magkano ang dividend?”
Ang mas importante ay:
“Lumalago ba ang negosyo?”
“Kumikita ba nang maayos ang kumpanya?”
“Stable ba ang cash flow?”
“Sustainable ba ang dividend?”
“Tumataas ba ang value ng kumpanya over time?”
“Positive ba ang total return ko?”
Dividends are not bad. Useful ang dividends, especially kung malaki na ang portfolio mo at nasa retirement stage ka na. Pero kung ang goal mo ay mag-build ng retirement fund, hindi sapat na dividend yield lang ang tinitingnan.
Dahil kung ang capital mo ay bumagsak nang malaki, puwedeng kainin ng capital loss ang ilang taon ng dividends.
This is why I focus more on total return:
capital appreciation + dividends.
Hindi porke nagbibigay ng dividend, magandang investment na agad. Hindi porke mataas ang dividend yield, sulit na agad bilhin. At lalong hindi porke bumagsak na ang presyo, bargain na agad.
Minsan ang mataas na dividend yield ay hindi opportunity.
Minsan warning sign ito.
Minsan ang murang stock ay hindi sale.
Minsan trap.
The graph speaks for itself.
Lesson:
Do not chase dividends blindly. Study the business. Read the financial statements. Understand the fundamentals. Look at total return. Build wealth, not just income.
Not a buy or sell recommendation. For educational purposes only.



Comments