Diversification is NOT the Goal... Reaching Your Goal is the GOAL!
- retironaryo
- Apr 19
- 1 min read
Hindi mo kailangang “own the world” just for the sake of diversification.
Maybe yes, maybe no.

Ang tamang tanong ay: Makakatulong ba ang diversification strategy na iyan para maabot mo ang financial goal mo?
Hindi ka dapat nagdi-diversify dahil lang sinabi ng isang influencer na iyon ang tama.
Hindi rin dahil uso o parang “safe pakinggan.”
You diversify with a purpose.
Ang purpose ng diversification ay hindi lang para masabing marami kang hawak na investments.
Ang tunay na purpose nito ay para i-manage ang risk habang binibigyan mo ang sarili mo ng mas mataas na chance na maabot ang target mong retirement fund or other financial goal.
Kung ang pag-“own the world” ay makakatulong para maabot mo ang goal mo, then good.
Pero kung sobrang broad ng diversification mo to the point na bumababa naman ang potential return at hindi na sapat para maabot ang required rate of return mo, then you need to rethink your strategy.
Diversification is not the goal.
Reaching your goal is the goal.
Kaya bago ka gumaya sa portfolio ng iba, alamin mo muna:
Ano ang goal mo?
Kailan mo gusto maabot?
Magkano ang kailangan mo?
Anong rate of return ang required?
Doon mo malalaman kung anong klaseng diversification ang bagay sa’yo.
Do not diversify blindly. Diversify intentionally.



Comments