top of page

Kung May ₱20M Ka sa MP2, Makakapag-Retire Ka Na Ba?

Updated: May 6

Kung 5 years ka na lang bago mag-retire — halimbawa 55 years old ka ngayon — at meron ka nang ₱20M retirement fund, puwede bang gamitin ang MP2 para magkaroon ka ng regular retirement income pagdating ng age 60?


Puwede. Pero dapat tama ang strategy at tama rin ang expectation.

One possible strategy is to create an MP2 ladder.


Sa ngayon, ang maximum MP2 savings allowed is ₱20M per person, so kung ₱20M ang retirement fund mo, sakto ito sa current limit.


Sa halip na ilagay mo agad ang buong ₱20M sa iisang MP2 account, puwede mo itong hatiin sa 5 MP2 accounts worth ₱4M each, invested one account per year.


Halimbawa:

  • Age 55: invest ₱4M in MP2 Account #1

  • Age 56: invest ₱4M in MP2 Account #2

  • Age 57: invest ₱4M in MP2 Account #3

  • Age 58: invest ₱4M in MP2 Account #4

  • Age 59: invest ₱4M in MP2 Account #5


Habang hindi pa naiinvest ang buong ₱20M, ang natitirang funds ay puwedeng ilagay muna sa high-interest savings account, time deposit, or money market fund para kumita rin habang naghihintay. Hindi ko na muna isinama sa main computation para simple ang illustration, pero mahalagang tandaan na puwede ring may konting earnings ang perang hindi pa naipapasok sa MP2.


Very important:

Ang MP2 ay may 5-year maturity period.

So ang unang account na inumpisahan mo at age 55 ay magmamature pagdating ng age 60.

Ang second account ay magmamature sa age 61.

Ang third sa age 62.

Ang fourth sa age 63.

Ang fifth sa age 64.


Ibig sabihin, starting age 60, may isang MP2 account na magmamature every year.

Kung ang pinili mo ay compounded dividends, at gagamit tayo ng 6.5% average annual MP2 dividend as example, ang isang ₱4M MP2 account after 5 years will be approximately:

₱4,000,000 x 1.065⁵ = ₱5,480,347


Ibig sabihin, ang estimated accumulated gain after 5 years ay around:

₱1,480,347


Kung gagamitin mo ang gain for retirement expenses, then reinvest the original ₱4M principal into a new MP2 cycle, puwede kang magkaroon ng estimated retirement income na around:

₱1.48M per year

or about

₱123,000 per month

Again, estimate lang ito assuming 6.5% average annual dividend compounded yearly.

Pero eto ang reality na dapat pag-usapan…

Ang example na ito ay para sa isang taong meron nang ₱20M bago mag-retire.

Ang problema, karamihan ng tao ay wala namang ₱20M pagdating ng retirement age.

At isa sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi umaabot sa ganitong level ay dahil nag-concentrate sila sa investments na maliit ang kita, o kaya naman ay masyado silang maagang nag-focus sa dividend investing habang nag-iipon pa lang ng retirement fund.


Let me be clear:

Dividend investing is not necessarily bad.

Pero kung mahaba pa ang time horizon mo at nag-a-accumulate ka pa lang ng retirement fund, kadalasan ay mas importante ang growth kaysa income.


Bakit?

Because during the retirement fund building stage, ang pinaka-goal mo ay palakihin muna ang pondo.

Kung masyado kang nakatutok sa:

  • low-return vehicles

  • sobrang conservative investments

  • or dividend income investing too early

posibleng mabagal ang paglaki ng pera mo.


At ang problema sa mabagal ang paglaki ng pera mo:

baka pagdating ng retirement age, hindi mo maabot ang target fund na kailangan mo.


Sa madaling salita, kaya maganda pakinggan ang tanong na:

“Kung may ₱20M ka sa MP2, makakapag-retire ka na ba?”


Pero para sa maraming tao, ang mas mahalagang tanong ay:

“Paano ako makakaipon ng ₱20M bago ako mag-retire?”


At diyan pumapasok ang importance ng growth investing.

Sa maraming sitwasyon, mas may saysay na habang bata ka pa o habang malayo ka pa sa retirement, ang mas malaking bahagi ng portfolio mo ay nasa growth-oriented investments tulad ng:

  • quality stocks

  • broad market index funds

  • equity funds

  • growth-focused ETFs or UITFs

dahil sila ang may mas mataas na potential na palakihin ang pondo mo over the long term.


In short:

  • Growth investing is often better during the accumulation stage

  • MP2 and dividend-oriented strategies can be more useful during the income stage or near retirement

So, sapat na ba ang MP2 strategy na ito?

Posibleng oo — kung ang lifestyle cost mo ay mas mababa sa around ₱120,000 per month.


At dito pumapasok ang isa pang importanteng idea:

Kung mas mababa sa ₱120k per month ang lifestyle cost mo, ang sobra ay puwedeng i-invest sa growth stocks para makatulong labanan ang inflation in the future.


Halimbawa, kung ang actual lifestyle cost mo ay ₱80,000 per month at meron kang roughly ₱123,000 per month equivalent income from the matured MP2 account, then may excess ka na around:

₱43,000 per month


Instead na ubusin mo lahat, puwede mong i-invest ang excess na iyan sa growth investments.

Bakit mahalaga ito?

Because MP2 is good for income and capital preservation, but it is not the best tool for long-term inflation beating growth.


Ang growth stocks or growth funds can help your retirement money continue growing, kahit retired ka na, para may panlaban ka sa inflation sa future.

So puwedeng maging ganito ang role ng bawat isa:

  • MP2 for income

  • Growth investments for inflation protection

That can make your retirement strategy much stronger.

Pero may mga dapat tandaan

  1. MP2 dividends are not guaranteed. Ang 6.5% ay example lamang. Puwede itong mas mataas. Puwede rin itong mas mababa depending on the performance of Pag-IBIG Fund.

  2. Inflation is still the biggest enemy. Kahit maganda pakinggan ang ₱123k per month today, iba na ang value niyan after 10, 15, or 20 years.

  3. Kung kulang ang gain, baka mapilitan kang gumamit ng principal. Kapag nangyari iyon, hindi mo na mare-reinvest ang buong ₱4M sa susunod na MP2 cycle. At kapag lumiit ang capital, liliit din ang future returns.

So kung may ₱20M ka sa MP2, makakapag-retire ka na ba?

Possibly yes.

Pero ang mas mahalagang tanong ay hindi lang:

“Magkano ang kikitain ko sa MP2?”

Ang mas tamang tanong ay:

“Paano ko muna mabubuo ang retirement fund na kailangan ko, at paano ko ito gagamitin para tumagal habang buhay ako?”


Because the truth is this:

Hindi problema ng karamihan ang paano gagastusin ang ₱20M.

Ang problema ng karamihan ay paano makarating sa ₱20M.

At kadalasan, mahirap makarating doon kung ang pinipili mong investments ay:

  • mababa ang return

  • kulang sa growth

  • o masyadong naka-focus sa dividend income habang malayo ka pa sa retirement

Bottom line

If you already have ₱20M near retirement, MP2 can be a very good tool to help generate retirement income.


But if you are still building your retirement fund, baka ang mas importanteng aralin mo muna ay:

how to grow your money faster and more efficiently over the long term

because that is what gives you a better chance of actually reaching a meaningful retirement fund.


Goal muna.

Computation muna.

Strategy muna.

Saka pa lang investment vehicle.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page