Dividend Mindset vs Total Return Mindset: Ano ang bagay para maabot ang goal mo?
- retironaryo
- Apr 18
- 2 min read
Maraming investors ang naa-attract agad sa dividends dahil parang ang sarap nga namang tumanggap ng cash kahit natutulog ka. Kaya ang mindset nila: bumili ng companies na nagbibigay ng dividends, at bonus na lang kung tumaas pa ang presyo ng stock.
Ito ang tinatawag na Dividend Mindset.

Sa kabilang banda, may mga investors naman na ang focus ay palaguin muna nang mabilis ang retirement fund o investment portfolio. Ang priority nila ay bumili ng mga kumpanyang may malakas na potential for growth at capital appreciation. Kung may dividend, mabuti. Pero hindi iyon ang pangunahing dahilan kung bakit sila bumibili.
Ito naman ang Total Return Mindset.
Ngayon, alin ang mas bagay?
Ang tamang sagot ay: depende sa goal mo at sa time horizon mo.
Kung ikaw ay malayo pa sa retirement at ang goal mo ay palakihin muna ang pondo mo, mas bagay sa iyo ang Total Return Mindset. Bakit? Dahil sa stage na ito, mas mahalaga ang bilis ng paglago ng portfolio kaysa sa maliit na cashflow na natatanggap mo ngayon. Kahit may dividends ka, kung mabagal naman ang overall growth ng portfolio mo, baka hindi mo rin maabot ang target mong retirement fund.
Pero kung ikaw ay retired na o malapit nang mag-retire, at ang kailangan mo na ay regular cashflow, puwedeng mas maging bagay ang Dividend Mindset. Sa stage na ito, hindi na lang puro growth ang habol mo. Kailangan mo na rin ng perang magagamit mo for living expenses.
Ang problema, maraming investors ang nauuna ang dividend mindset kahit wealth-building stage pa lang sila. Ang ending, masyado silang nakafocus sa dividend yield at nakakalimutan nilang tanungin:
“Sapat ba ang total return ng strategy ko para maabot ko ang goal ko?”
Sa totoo lang, hindi dividend ang dapat unahin.
Goal muna.
Magkano ang target fund mo?
Kailan mo ito kailangan?
Magkano ang required rate of return mo para maabot iyon?
Kapag alam mo ang mga numerong iyan, saka mo malalaman kung bagay ba sa iyo ang Dividend Mindset o Total Return Mindset.
Dahil sa investing, hindi ang pinaka-masarap pakinggan ang dapat piliin.
Ang dapat piliin ay ang strategy na may pinakamalaking chance na magdadala sa iyo sa iyong goal.
Kung wealth building ang goal mo, huwag kang masyadong ma-inlove sa dividends.
Kung income na ang kailangan mo, saka mo pag-isipan kung dividend-focused strategy na ang mas bagay.
Bottom line:
Hindi masama ang dividends.
Hindi rin masama ang growth investing.
Ang tanong ay hindi kung alin ang mas maganda sa pangkalahatan.
Ang tamang tanong ay: alin ang mas akma sa goal mo?



Comments