Halo-Halo ba Yan? Tama ba Yan?
- retironaryo
- Apr 7
- 1 min read
“Konti nito, konti niyan, konti doon, konti pa rito, konti pa roon — yes, diversified na ako!”
Pero ang tamang diversification ay hindi paramihan ng hawak na stocks o paramihan ng sectors. Hindi sapat na marami kang investments para masabing maayos na ang portfolio mo.

Ang tunay na purpose ng diversification ay dalawa:
una, para mabawasan ang tama ng volatility sa portfolio mo;
at pangalawa, para matulungan kang maabot ang target return na kailangan mo para sa goal mo.
Diyan nagkakamali ang marami. Akala nila basta halo-halo ang hawak, okay na. Pero ang totoo, puwedeng masyado kang diversified to the point na humihina na ang overall return ng portfolio mo.
Sa madaling salita, hindi lang protection ang habol sa diversification. Dapat ang kombinasyon ng assets mo ay parehong nagbibigay ng sapat na safety at sapat na growth.
Kaya ang tamang tanong ay hindi lang: “Diversified ba ako?”
Kundi: “Ang diversification ko ba ay tumutulong para maabot ko ang goal ko?”



Comments