Huwag Gamitin ang VUL para Bumuo ng Retirement Fund
Hindi masama ang VUL. Pero kung ang main goal mo ay mag-build ng retirement fund, madalas hindi ito ang best option.

Bakit?
Kasi ang VUL ay insurance muna, investment pangalawa. Ibig sabihin, hindi lahat ng binabayad mo every month ay diretso agad sa pagpapalago ng retirement fund mo. May bahagi ng pera mo na napupunta sa insurance cost at iba pang charges. So kung ang habol mo ay long-term growth, may kabigatan na agad sa performance ng pera mo.
Ito ang problema sa maraming kumukuha ng VUL:
iniisip nila na basta tuloy-tuloy lang ang hulog, automatic na lalaki na nang sapat ang pera for retirement.
Pero ang tamang tanong ay:
Aabot ba talaga ang investment mo sa target retirement fund mo sa tamang panahon?
Kung hindi mo alam:
magkano ang target mong retirement fund
ilang taon ka pa mag-iinvest
magkano ang kaya mong iinvest regularly
at ilang % return ang kailangan mo
…mahihirapan kang malaman kung tama ba talaga ang product na pinapasok mo.
Mas malinaw ang ganitong approach:
Insurance for protection. Investment for growth.
Kung kailangan mo ng protection para sa pamilya o health risks, kumuha ng insurance.
Kung gusto mo namang mag-build ng retirement fund, pumili ng investment vehicle na bagay talaga sa goal mo, time horizon mo, at required rate of return mo.
Sa madaling salita,
huwag mong gawing pangunahing retirement vehicle ang VUL kung wealth building ang main purpose mo.
Maganda ang insurance.
Importante ang protection.
Pero para sa retirement fund building, mas maganda pa rin na klaro ang trabaho ng bawat product.
Separate mo ang insurance at investment para mas klaro, mas objective, at mas epektibo ang plano.
Know your numbers muna bago pumili ng investment.



Comments