Kailan ba may sense ang dividend investing, hindi growth investing?
Updated: May 6
Hindi automatic na kapag “dividend stocks” ay good investment na agad.

Ang unang tanong dapat ay: Para saan ba ang investment mo?
1. Kung nagbu-build ka pa lang ng retirement fund
Dividend investing can make sense kung malaki ang monthly investment mo at kaya pa rin nitong maabot ang desired retirement fund mo.
Pero kung maliit lang ang monthly investment mo, at malaki ang retirement fund na kailangan mong maipon, baka hindi sapat ang dividend investing alone.
Bakit?
Kasi kadalasan, dividend stocks are more mature companies. Mas stable, may dividends, pero maaaring mas mabagal ang growth compared to quality growth companies or broad growth-oriented index funds.
Kung ang goal mo ay magpalaki ng retirement fund, ang mas importante ay total return — capital appreciation plus dividends — hindi dividend yield lang.
2. Kung retired ka na
Dividend investing can make more sense during retirement kung malaki na ang retirement fund mo.
Halimbawa, kung gusto mo ng ₱50,000 per month na passive income, hindi sapat na sabihin lang na “mag-dividend stocks ako.”
Tanungin mo muna:
Magkano ang kailangan kong capital para kumita ng ₱50,000 per month sa dividends?
Kung 5% net dividend return per year ang assumption, kailangan mo ng around:
₱12 million retirement fund
para makakuha ng roughly ₱600,000 per year
or ₱50,000 per month
At hindi pa kasama rito ang inflation, taxes, at possibility na bumaba o matigil ang dividends.
Ang bottom line:
Dividend investing makes sense kapag ang goal mo ay cash flow.
Growth investing makes more sense kapag ang goal mo ay fund accumulation.
Kaya bago pumili ng investment strategy, huwag munang tanungin:
“Maganda ba ang dividend stocks?”
Ang mas tamang tanong:
“Ano ba ang goal ko, magkano ang kailangan ko, kailan ko ito kailangan, at anong return ang kailangan para maabot ito?”
Doon mo malalaman kung dividend investing ba talaga ang bagay sa iyo.



Comments