top of page

Magkano ang kikitain ng ₱50,000 kung ilalagay sa S&P 500?

Ito ang isa sa mga common questions ng mga nagsisimula pa lang mag-invest.


At honest answer?

Hindi natin alam ang exact na tubo per year.


Hindi kasi time deposit ang stock market. Hindi ito fixed income na may guaranteed interest every year. May taon na mataas ang kita, may taon na mababa, at may taon na negative pa.

Pero para magkaroon tayo ng idea, pwede tayong gumamit ng return assumptions.


Halimbawa, kung mag-invest ka ng ₱50,000:

Kung 8% ang return sa unang taon, estimated gain ay around ₱4,000.

Kung 10% ang return sa unang taon, estimated gain ay around ₱5,000.

Kung 12% ang return sa unang taon, estimated gain ay around ₱6,000.


Pero importante ito:

Hindi ibig sabihin na ₱5,000 ang kikitain mo every year forever kung 10% ang assumption.

Dahil ang investing ay may compounding.


Kung ang ₱50,000 mo ay kumita ng 10% sa unang taon, magiging around ₱55,000 ito.

Kung kumita ulit ng 10% sa second year, hindi na ₱5,000 ang gain mo. Ang 10% ng ₱55,000 ay ₱5,500.


Ibig sabihin, habang lumalaki ang investment mo, lumalaki rin ang base amount na pwedeng kumita.

That is the power of compounding.


Pero tandaan: hindi straight line ang stock market. Hindi every year positive. Hindi every year 8%, 10%, or 12%.


Pwedeng this year mataas.

Pwedeng next year mababa.

Pwedeng negative pa.


Kaya kung ang tanong ay:

“Magkano ang kikitain ko next year?”

Ang sagot: estimate lang ang kaya nating ibigay.


Pero kung ang tanong ay:

“Paano ko mapapalago ang pera ko over 10, 20, or 30 years?”

Doon nagiging powerful ang stock investing.


Sa Retironaryo, hindi lang natin tinatanong kung magkano ang tubo.

Mas importante ang mga tanong na ito:

Ano ang goal mo?

Kailan mo kailangan ang pera?

Magkano ang kailangan mong maipon?

Anong return ang kailangan mo para maabot ang target mo?

Kaya mo ba ang risk at volatility ng investment na pinasok mo?


Dahil ang investing ay hindi hulaan ng kita next year.

Ang investing ay long-term planning.


Kung gusto mong malaman kung sapat ba ang hulog mo ngayon para sa retirement goal mo, gamitin ang Retironaryo Ultimate Retirement Calculator:


At kung kailangan mo ng tulong gumawa ng mas detalyadong retirement plan, pwede kang mag-book ng free 30-minute consultation sa Retironaryo website.


Investing is not magic. But with the right plan, discipline, and time, it can do wonders.


Educational purposes only. Not financial advice.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page