top of page

May S&P 500 ka na. Kailangan mo pa ba ng Global Technology Fund?

Maraming investors ang nagtatanong nito:

“Kung meron na akong S&P 500, redundant na ba kung bibili pa ako ng Global Technology Fund?”

Ang sagot: may overlap, pero hindi automatic na redundant.

Yes, may exposure na ang S&P 500 sa malalaking technology companies gaya ng Microsoft, Apple, Nvidia, Google, Meta, at iba pa. Kaya kung bibili ka pa ng Global Technology Fund, madadagdagan talaga ang exposure mo sa technology sector.


Pero hindi ibig sabihin nito na mali agad.

Ang mas importanteng tanong ay hindi lang:

“Pareho ba sila?”


Ang mas tamang tanong ay:

“Ano ba ang required rate of return ko para maabot ang retirement goal ko?”


Dito madalas nagkakamali ang maraming investors.

Namimili sila ng investment dahil sikat, mataas ang past return, o maraming nagre-recommend sa social media. Pero hindi nila alam kung ilang percent return ba talaga ang kailangan nila para maabot ang kanilang target retirement fund.


Kung ang kailangan mo lang pala ay 7% to 10% return per year, baka sapat na ang mas diversified na approach gaya ng S&P 500, depende sa iyong time horizon at monthly contribution.


Pero kung lumalabas sa computation na kailangan mo ng mas mataas na return, halimbawa 12% to 15% per year, baka kailangan mong magdagdag ng growth-focused assets — tulad ng technology fund, Nasdaq exposure, or selected growth stocks — basta kaya ng risk appetite mo at naiintindihan mo ang volatility.


Dito papasok ang right asset allocation.

Hindi ibig sabihin na dahil maganda ang Global Technology Fund, ilalagay mo na lahat doon.


At hindi rin ibig sabihin na dahil may overlap sa S&P 500, hindi mo na ito puwedeng idagdag.


Ang tamang tanong:

Magkano ang ilalagay ko sa bawat asset class para maabot ko ang required rate of return ko without taking unnecessary risk?


For example:

S&P 500 = core diversified foundation

Global Technology Fund = higher-risk growth booster

Bonds / cash / MP2 = stability or capital protection component

Individual growth stocks = optional, kung may sapat na knowledge at risk tolerance

Ang goal ng asset allocation ay hindi lang para “maging diversified.”


Ang tunay na goal nito ay:

Makabuo ng portfolio na may realistic chance na maabot ang required rate of return mo, habang kaya mong tiisin ang risk at volatility along the way.


Kung masyadong conservative ang portfolio mo, baka hindi mo maabot ang retirement number mo.

Kung masyado namang aggressive, baka hindi mo kayanin emotionally kapag bumagsak ang market at mag-panic sell ka.


Kaya before asking, “Anong magandang fund ang bilhin?”

Mas unahin mong itanong:

Magkano ang retirement fund na kailangan ko?

Magkano ang kaya kong ihulog monthly?

Ilang taon pa ang investment horizon ko?

Ilang percent return ang kailangan ko?

Anong asset allocation ang bagay sa goal at risk profile ko?


Because a good investment can still become a bad decision kapag mali ang allocation.

Hindi sapat na mag-invest ka lang.


Dapat alam mo kung bakit mo binibili ang bawat investment, ano ang role nito sa portfolio mo, at paano ito tutulong sa iyo na maabot ang iyong financial goal.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page