top of page

May Growth Stocks Naman sa PSE… Pero Ito ang Mas Malaking Tanong

May mga growth stocks naman sa Philippine Stock Exchange. Hindi naman ibig sabihin na kapag PSE, wala nang magagandang kumpanya.


May mga solid businesses sa Pilipinas. May mga kumpanyang kumikita, lumalago, at may potential.


Pero kung retirement fund ang pinag-uusapan, hindi sapat na tanungin lang:

“May growth stocks ba sa Pinas?”


Ang mas importanteng tanong:

“Sapat ba ang growth opportunities ng market na ito para tulungan akong maabot ang retirement fund goal ko?”


Dito pumapasok ang difference ng company at market environment.

Pwedeng maganda ang company. Pero kung maliit ang market, kaunti ang investors, limitado ang liquidity, at masyadong sensitive sa local issues, mas mabigat ang kalaban.

Sa Pilipinas, madaling maapektuhan ang stock market ng political uncertainty, corruption issues, policy changes, inflation, interest rates, at overall confidence sa economy.


Kapag may negative news sa government, economy, o governance, damay agad ang sentiment ng investors.


Compare that sa US market.

Maraming US growth companies ang hindi lang US ang customer base. Global ang market nila. Kahit headquartered sila sa America, buong mundo ang bumibili ng products and services nila.


Ibig sabihin, mas malaki ang runway for growth.

Sa Pinas, maraming listed companies ay nakadepende pa rin sa local economy. Kung mabagal ang economic growth, mahina ang consumer spending, o kulang ang investor confidence, limitado rin ang upside ng maraming businesses.


Kaya hindi ito usapang “PSE bad, US good.”

Ang point ay probability.

Kung ang goal mo ay mag-build ng malaking retirement fund, kailangan mong tanungin ang sarili mo:

Saan mas mataas ang probability na makahanap ako ng companies na may long-term, scalable, global growth?


Hindi ko sinasabing iwasan lahat ng Philippine stocks.

Ang sinasabi ko:

Huwag mong ikulong ang retirement strategy mo sa isang market na limitado ang growth opportunities.


Kung maliit lang ang kaya mong i-invest monthly, lalo mong kailangan ng strategy na may mas mataas na potential for long-term total return.


Hindi sapat ang “basta nag-iinvest ako.”

Dapat alam mo kung ang market na pinapasok mo ay kaya talagang tulungan kang maabot ang retirement number mo.


Kaya kung seryoso ka sa pagbuo ng malaking retirement fund, pag-aralan mo rin ang US at global market exposure.


Hindi para makiuso.

Kundi para palakihin ang probability na maabot mo ang goal mo.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page