Tamang Asset Allocation? Depende sa Lifestage!
- retironaryo
- Apr 10
- 1 min read
Hindi puwedeng pare-pareho ang asset allocation mo sa bawat stage ng buhay.
Kapag bata ka pa at malayo pa ang retirement, mas puwedeng mas malaki ang allocation mo sa growth assets tulad ng stocks. May panahon ka pang lampasan ang market drops at volatility.

Pero habang papalapit ka sa retirement, hindi na puwedeng puro growth lang ang iniisip. Dapat mas lumalaki rin ang allocation mo sa mas stable at mas liquid assets para protektado ka kapag mali ang timing ng market.
Lalo na ngayon na maraming uncertainty—geopolitical conflict, disruption sa energy supply, pagtaas ng oil prices, at pangamba sa inflation at slower growth. (Reuters)
Kaya ang tanong ay hindi lang:
“Saan mas mataas ang return?”
Ang mas tamang tanong ay:
“Tama ba ang asset allocation ko para sa edad at stage ng buhay ko ngayon?”
Sa investing, hindi sapat na kumita.
Kailangan tama rin ang risk sa tamang panahon.



Comments