Why the Heat Map is VERY IMPORTANT!
- retironaryo
- Apr 24
- 1 min read
Updated: May 6
Importante ang heat map…

dahil kaya nitong guluhin ang isip mo.
Kapag green, nae-excite ka.
Parang gusto mong humabol.
Parang feeling mo, “Aakyat pa ito! Bili na!”
Kapag red, nai-stress ka.
Parang gusto mong mag-panic.
Parang feeling mo, “Lugi na! Benta na!”
At dito nag-uumpisa ang maraming maling desisyon sa investing.
Hindi dahil mahina ka. Kundi dahil emosyon ang pinapairal mo imbes na strategy.
Ang heat map ay parang simpleng kulay lang sa screen…pero kaya nitong i-trigger ang kasakiman kapag green at takot kapag red.
Kaya importante ito. Importante dahil pinapakita nito kung gaano kadaling maapektuhan ang investor ng market mood.
Kung long-term investor ka, minsan ang best move ay hindi titigan ang heat map buong araw.
Mas mahalagang tingnan mo ang:
kalidad ng kumpanya
tamang valuation
long-term goal mo
at ang investment strategy mo
Sa stock market, maraming nalulugi hindi dahil walang alam…
kundi dahil reactive sila sa kulay.
So yes, the heat map is very important.
Importante dahil pinapaalala nito na kung gusto mong maging successful investor…
Huwag mong hayaang kulay ng screen ang magdikta ng galaw mo.
Minsan, para hindi ka makagawa ng maling desisyon… huwag mo na lang tingnan.



Comments