top of page

Akala ng marami, pang-mayaman lang ang ₱20M na retirement fund.

Updated: May 6

Pero ang totoo, kung bata ka pang magsisimula, consistent kang mag-iinvest, at tama ang investment vehicle na pipiliin mo, possible ito mathematically.


Halimbawa si Nario, isang 25-year-old na lalaki.

Ang target niya ay mag-retire at age 60. Ibig sabihin, meron siyang 35 years para paghandaan ang retirement niya.

Ang goal niya: makabuo ng around ₱20M pagdating ng age 60.


Pero hindi lang ito basta usapin ng “mag-ipon ka.”

Ang mas importanteng tanong ay:

Gaano kalaki ang ihuhulog mo?

Gaano katagal?

At saan mo i-invest?


Sa example na ito, si Nario ay nagsisimula sa certain monthly investment at tinataasan niya ito ng 3% every year. Napaka-importanteng detail nito dahil sa totoong buhay, habang tumataas ang sweldo o kita, dapat tumataas din ang investment contribution.


Ngayon, tingnan natin kung gaano kalaki ang kailangang starting monthly investment ni Nario depende sa klase ng investment:

  • Baul / walang tubo (0%)

Starting monthly investment: ₱26,500/month

After 35 years, kahit may 3% annual increase sa hulog, aabot lang ito sa around ₱19.23M.

  • Bond / T-Bills (3%)

Starting monthly investment: ₱17,500/month

After 35 years, lalaki ito to around ₱20.50M.

  • Dividend Investing (7%)

Starting monthly investment: ₱8,000/month

After 35 years, magiging around ₱20.38M.

  • S&P500 type investment (10%)

Starting monthly investment: ₱4,000/month

After 35 years, magiging around ₱20.06M.

  • Individual Stocks (12%)

Starting monthly investment: ₱2,500/month

After 35 years, magiging around ₱20.46M.

  • Seasoned Investor (15%)

Starting monthly investment: ₱1,200/month

After 35 years, magiging around ₱21.44M.


Tingnan mo ang laki ng difference.

Pare-pareho halos ang target na around ₱20M, pero sobrang laki ng difference ng kailangang monthly contribution depende sa rate of return.


Iyan ang kapangyarihan ng compounding.

Kapag maganda ang investment return, hindi mo kailangang maglabas ng sobrang laking halaga buwan-buwan para maabot ang parehong goal. Kapag mababa naman ang return, kailangan mong bawiin iyon sa mas malaking hulog.


At dito papasok ang long time horizon.

Dahil si Nario ay 25 years old pa lang, meron siyang pinakamahalagang advantage sa lahat — oras. Ang compounding ay mas lumalakas hindi lang dahil sa taas ng return, kundi dahil sa tagal ng panahon na hinahayaan mong lumago ang pera mo.


At huwag din nating kalimutan ang 3% annual increase in contribution. Maliit tingnan sa umpisa, pero napakalaki ng effect nito over 35 years. Ibig sabihin, hindi frozen ang hulog ni Nario habang buhay. Habang tumatagal, unti-unti rin niyang dinadagdagan ang ini-invest niya.


Ngayon, baka may tataas na naman ang kilay sa 12% at 15% annual return.

“Saan naman makakahanap niyan?”

“Hindi ba unrealistic iyan?”


Valid naman ang concern. Dapat talaga maging maingat kapag may nagsasabing kaya ang mataas na return.

Pero ang 12% to 15% average annual return over the long term ay hindi imposible. Hindi ito guaranteed, hindi ito madali, at hindi ito nakukuha sa hulaan. Pero posible ito kung marunong kang pumili ng tamang negosyo na bibilhin mo through stocks.


Dito papasok ang tamang fundamental analysis when buying individual stocks.

Hindi ito simpleng tanong na:

“Anong stock ang tataas?”


Mas tamang tanong ay:

“Anong kumpanya ang may matibay na negosyo, strong financials, competitive advantage, good management, growing earnings, healthy cash flow, at reasonable valuation?”


Dito ko dinevelop ang Segurista Stock Investing Strategy.

Ang goal ng Segurista Strategy ay hindi manghula ng next hype stock.

Hindi rin ito mabilisang trading.

Hindi ito “buy today, sell next week.”


Ang goal nito ay maghanap ng quality companies na may potential magbigay ng above-average returns over the long term, gamit ang:

  • Fundamental analysis

  • Wide moat mindset

  • Reasonable valuation

  • Long-term compounding mindset


Ngayon, kung ikaw ay nasa 40s or 50s, mas mahirap nang maabot ang ₱20M kung ngayon ka pa lang magsisimula.

Bakit? Dahil mas maikli na ang time horizon mo.


Ibig sabihin:

  • Mas malaking monthly investment ang kakailanganin mo

  • At kadalasan, mas mataas na rate of return din ang kailangan mo para makahabol


Kaya huwag nating maliitin ang halaga ng maagang pagsisimula.

Habang bata ka, time is your friend.

Pero kapag tumatanda ka na at saka ka pa lang kikilos, time can become your enemy.


Ito ang dahilan kung bakit lagi kong sinasabi:

Start early.

Be consistent.

Increase your contribution over time.

Choose the right investment vehicle.

Learn how to invest wisely.


Ang ₱20M retirement fund ay hindi lang para sa mayayaman.

Posible ito para sa taong marunong magplano, marunong maghintay, marunong mag-adjust ng contribution, at marunong pumili ng tamang investment.


Pero tandaan:

Higher potential return requires higher knowledge, higher discipline, and better decision-making.


That is why I created the Segurista Stock Investing Strategy — para matutunan ng ordinaryong Pilipino kung paano mag-isip bilang long-term investor, hindi bilang sugalero sa stock market.


If you want to learn more, you can watch the first 3 introductory videos for free at:


Just download the Free Retironaryo Starter Kit.


Compounding rewards those who start early, stay consistent, increase their contribution, and invest wisely.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page