top of page

All Time High - Antay Munang Bumaba. Bagsak ang Presyo - Antay Muna, Baka Bumaba pa.

Updated: May 6

Oo, valid ang takot.


Kapag nasa all time high ang SPY o S&P500, iniisip ng marami:

“Baka ito na ang tuktok. Baka mali ang timing ko.”


Kapag naman may gyera, tariff war, inflation fears, o ibang problema sa mundo, iniisip din ng marami:

“Delikado mag invest ngayon. Hintayin ko muna humupa.”


Pero kapag tiningnan mo ang mas mahabang galaw ng market, mapapansin mo ang isang mahalagang pattern:

Habang ang mga tao ay paulit-ulit na natatakot sa all time high at sa mga problema ng mundo, ang market ay paulit-ulit ding umaakyat sa mas mataas na level sa pagdaan ng panahon.


Hindi ibig sabihin nito na hindi na babagsak.

Babagsak at babagsak pa rin ang market paminsan-minsan.

Magkakaroon pa rin ng corrections, bear markets, at panic.


Pero ang tanong ay ito:

Ano ang ginawa mo noong natakot ang lahat?

Nagpanic sell ka ba?

Nag hintay ka ba nang sobrang tagal?

O nagpatuloy kang mag-invest sa mga dekalidad na kumpanya dahil alam mo na ang iniipon mo ay para sa pangmatagalan?


Maraming investors ang hindi natatalo dahil mali ang kumpanya na binili nila.

Madalas, natatalo sila dahil takot ang nagdidikta ng timing nila.

Takot kapag all time high.

Takot kapag may crisis.

Takot kapag bumabagsak.

Takot din kahit umaakyat.

Sa huli, wala nang naging “perfect time.”


Ito ang aral ng graph na ito:

Laging may dahilan para matakot.

Pero sa long term, ang reward ay kadalasang napupunta sa mga investor na may malinaw na goal, tamang strategy, at disiplina na manatili sa plano.


Kung ang iniipon mo ay para sa retirement fund mo, hindi sapat na tanungin mo lang:

“Mataas ba ang market ngayon?”

Mas mahalagang tanungin mo:

“Nasa tamang investment vehicle ba ako para marating ang goal ko sa tamang panahon?”


Dahil ang tunay na risk ay hindi lang ang pagbaba ng market.

Ang mas malaking risk ay ang hindi ka nag-invest nang maaga, at naubusan ka ng panahon para palaguin ang pera mo.

Kaya kung isa ka sa natatakot mag-invest dahil all time high o dahil may problema ang mundo, hindi ka nag-iisa.


Pero sana tandaan mo ito:

Ang market ay laging may dahilan para katakutan.

Pero ang compounding rewards those who stay invested wisely for the long run.

Ang tanong: ikaw ba ay laging naghihintay ng “perfect time” — o unti-unti mo nang binubuo ang future retirement fund mo ngayon?


Visit retironaryo.com to download your FREE Starter Kit so you can start building your retirement fund the right way.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page