All-Time High? Hindi Ibig Sabihin Huwag Ka Nang Bumili.
- retironaryo
- May 12
- 2 min read
“All-time high ang ATRAM Global Technology Feeder Fund. Antayin mo munang bumaba bago bumili.”

Yan ang madalas mong makikitang payo sa social media.
Pero tanong: nag-iinvest ka ba para manghula, o nag-iinvest ka para magpalago ng retirement fund?
Kasi kung ang strategy mo ay laging “hintayin bumaba,” kailangan mo ng crystal ball. At kung may totoong marunong manghula kung kailan babagsak at kailan tataas ang market, dapat sobrang yaman na niya ngayon.
The truth is simple: nobody can consistently predict the market.
Sa graph na ito, makikita mo ang maraming points na all-time high noong panahon na iyon. May ilang bumagsak pagkatapos. Pero marami ring all-time high na hindi pala “tuktok”—kundi simula pa lang ng mas mataas na level.
Kaya delikado ang mindset na:
“High na, huwag munang bumili.”
Dahil minsan, ang hinihintay mong pagbaba ay hindi dumarating. Habang naghihintay ka, patuloy namang lumalago ang fund.
Kung ang plano mo ay cost averaging, hindi mo kailangang hulaan ang perfect timing. Ang mas mahalaga ay maintindihan mo kung saan naka-invest ang fund.
Ano ang underlying investment nito?
Anong sector ang tinututukan?
May long-term growth potential ba?
Tugma ba ito sa goal, time horizon, at risk tolerance mo?
Kung ang sagot ay oo, then ang focus mo dapat ay consistency, discipline, and long-term growth—hindi paghula kung kailan ang next dip.
Hindi ibig sabihin na bibili ka na lang nang walang pag-iisip. Kailangan pa rin ng proper education, proper allocation, at malinaw na goal. Pero kung long-term retirement fund ang binubuo mo, mas malaking risk minsan ang hindi ka nagsisimula dahil lagi mong hinihintay ang “perfect timing.”
Remember:
All-time high today can become the cheap price of the future.
Kaya bago ka maniwala sa nagsasabing “hintayin mo munang bumaba,” tanungin mo muna:
Alam ba niya talaga ang mangyayari, o nanghuhula lang din siya?



Comments