Ang Dami Nating Dahilan!
- retironaryo
- May 5
- 1 min read
Updated: May 6
“Friend: Gusto kong manalo sa lotto.
Me: Tumataya ka ba?
Friend: Hindi.”

Malamang narinig mo na ang joke na ito.
Pero kung iisipin mo, minsan ganito rin tayo pagdating sa retirement.
Gusto nating magkaroon ng maginhawang retirement.
Gusto nating hindi umasa sa anak.
Gusto nating may sapat na pera pag tumigil na sa trabaho.
Pero tanungin natin ang sarili natin:
May plano ba tayo?
May ginagawa ba tayo?
May ini-invest ba tayo consistently?
Sinasabi natin, “Kailangan ko ng ₱10M, ₱20M, o ₱30M para makapag-retire nang maayos.”
Pero pagkatapos noon, wala nang kasunod na action.
Bakit?
Dahil agad nating sinasabi:
“Imposible ’yan.”
“Masyadong malaki.”
“Maliit lang sweldo ko.”
“Late na ako nagsimula.”
“Hindi ko alam kung saan magsisimula.”
Ang dami nating dahilan.
Pero kapag naging financially literate ka, makikita mo na maraming bagay ang hindi pala imposible. Hindi madali, oo. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na kayang simulan.
Ang retirement fund ay hindi nabubuo sa wishful thinking.
Hindi rin ito nabubuo sa reklamo.
Nabubuo ito sa tamang plano, disiplina, consistent saving, tamang investment vehicle, at sapat na panahon.
Minsan, ang pinakamalaking hadlang sa financial freedom ay hindi ang maliit na sweldo.
Hindi rin ang inflation.
Hindi rin ang market volatility.
Minsan, ang pinakamalaking hadlang ay ang sarili nating mindset.
Negative agad.
Ayaw mag-compute.
Ayaw mag-aral.
Ayaw magsimula.
Pero gusto ng magandang resulta.
Kung gusto mong magkaroon ng maginhawang retirement, huwag lang mangarap.
Magplano. Mag-aral. Magsimula.
Dahil sa retirement planning, hindi sapat ang gustong manalo.
Kailangan tumaya — hindi sa lotto, kundi sa sarili mong financial future.



Comments