Ano ang RRR o Required Rate of Return?
- retironaryo
- May 13
- 1 min read
Updated: May 20
Ang RRR o Required Rate of Return ay isang mahalagang tool para malaman kung gaano kalaking kita ang kailangan ng investment mo para maabot ang target retirement fund mo.
Sa madaling salita, ito ang tutulong sa’yo malaman kung realistic ba ang retirement goal mo base sa:
edad mo ngayon
target age mo sa retirement
lifestyle na gusto mo pag-retire
current savings o investment mo
monthly amount na kaya mong ihulog
at ilang taon ka pang mag-iinvest
Sa episode na ito, nag-demo tayo ng dalawang scenario gamit ang magkaibang edad para makita kung paano nagbabago ang required rate of return depende sa panahon, hulog, at target retirement lifestyle.
Dito mo makikita kung ang goal mo ba ay achievable sa current strategy mo, o kailangan mong mag-adjust ng hulog, timeline, o investment vehicle.
Kung gusto ninyong makakuha ng kopya ng aming RRR Calculator, pumunta lamang sa aming website: RETIRONARYO.com
I-download and FREE Starter Kit.
At kung natulungan kayo ng content na ito, huwag kalimutang mag-like, share, and subscribe para mas marami pa tayong matulungan na magplano para sa kanilang retirement.
Maraming salamat!



Comments