Bakit ka makikinig kay Warren Buffett, at hindi sa mga “newbie” influencers?
Simple lang.
Si Buffett hindi sumikat dahil maingay online.
Sumikat siya dahil subok na ang resulta niya sa loob ng maraming dekada. At para sa ordinaryong tao, malinaw ang paulit-ulit niyang mensahe: low-cost S&P 500 index fund. Ang SPY ay isa sa pinakasikat na ETFs na sumusunod sa S&P 500.

Bakit iyon ang recommendation niya?
Dahil ang ordinaryong tao ay may trabaho, may pamilya, may responsibilidad, at walang buong araw para mag-aral ng individual stocks. Hindi lahat kailangang maging stock picker. Minsan, ang mas matalinong gawin ay bilhin ang market kaysa manghula ng “best stock.”
At kung performance ang usapan, hindi rin biro ang long-term track record ng SPY. With dividends reinvested, ang total return CAGR nito ay humigit-kumulang 14.15% sa past 10 years, 10.40% sa past 20 years, at 9.88% sa past 30 years.
Kaya maraming ordinaryong investors ang mas mabuting umiwas muna sa hype, ingay, at overconfidence ng mga bagong influencer.
Hindi lahat ng maingay ay tama.
Hindi lahat ng confident ay credible.
At hindi lahat ng trending ay karapat-dapat pagkatiwalaan ng future mo.
Minsan, ang pinakamatalinong strategy ay simple lang:
Mag-invest regularly.
Keep costs low.
Stay invested for the long term.
Own great businesses through the S&P 500.
Disclaimer:
Bagama’t ang S&P 500 ay historically nakapagbigay ng magandang long-term return, hindi ibig sabihin na automatic na sapat na ito para maabot ang goal mo. Kailangan mo pa ring alamin kung tugma ito sa required rate of return na kailangan para sa target amount at target time frame mo. Ang tamang investment ay hindi lang iyong maganda ang past performance, kundi iyong may mataas na posibilidad na maabot ang personal mong goal.



Comments