top of page

Bakit Mataas ang Dividend Pero Mabagal ang Growth?

Totoo naman na may capital appreciation ang dividend stocks. Hindi naman ibig sabihin na kapag dividend stock, hindi na tumataas ang presyo.


Pero kailangan nating maintindihan kung anong klaseng negosyo ang karaniwang nagbibigay ng mataas na dividends.


Kadalasan, ang high-dividend companies ay nasa mga mature industries tulad ng utilities, telecoms, banks, REITs, infrastructure, power, at iba pang businesses na stable na ang cash flow pero hindi na ganoon kabilis lumago.


Bakit sila nagbibigay ng mataas na dividends?

Kasi madalas, wala na silang masyadong high-growth opportunities na paglalagyan ng kita nila. Kapag ang negosyo ay mature na, predictable na ang income, at limitado na ang expansion, mas practical para sa kanila na ibalik na lang ang malaking bahagi ng kita sa shareholders through dividends.


Maganda iyon kung ang hanap mo ay cash flow.

Pero kung ang goal mo ay palaguin nang mabilis ang capital mo, may limitation ito.

Ang growth companies, lalo na sa US, kadalasan ay hindi muna nagbibigay ng malaking dividends dahil ginagamit nila ang kita para palakihin pa ang negosyo. They reinvest in research, technology, expansion, acquisitions, new products, and global market growth.


In short:

Dividend companies distribute more.

Growth companies reinvest more.


Kaya natural lang na ang high-dividend stocks ay madalas mas mabagal ang capital appreciation. Hindi dahil pangit sila, kundi dahil iyon ang nature ng business nila. Stable, mature, income-generating — pero hindi necessarily fast-growing.


Parang puno na malaki na at nagbibigay na ng bunga. Okay iyon kung gusto mo nang pumitas. Pero kung gusto mong magpalaki pa ng gubat, kailangan mo rin ng mga punong mabilis tumubo.


Kaya kung ang investor ay malapit na sa retirement, okay ang dividend strategy dahil kailangan na niya ng income.


Pero kung bata ka pa, mahaba pa ang time horizon mo, at ang goal mo ay mag-build ng malaking retirement fund, dapat tanungin mo muna:

Kailangan ko ba ngayon ng income, o kailangan ko munang palakihin ang capital ko?


Kasi kung maliit pa ang capital mo, maliit din ang dividend income mo.

Kahit mataas ang yield, kung maliit ang principal, maliit pa rin ang cash flow.

That is why for retirement fund building, especially during the accumulation stage, mas importante muna ang total return — capital appreciation plus dividends — kaysa dividend yield alone.


Dividend investing is not wrong.

Pero kung ang business model ng pinapasukan mo ay mature, slow-growth, at designed more for income than expansion, huwag kang magtaka kung mabagal din ang paglago ng portfolio mo.


Sa retirement planning, hindi sapat na “may dividend.”


Ang mas importanteng tanong ay:

Lumalaki ba ang pera ko fast enough para maabot ang retirement fund goal ko?


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page