Bata ka pa pero risk averse ka?
- retironaryo
- Apr 30
- 1 min read
Updated: May 6
Kung ang goal mo ay bumuo ng retirement fund, minsan mas risky pa ang pagiging sobrang conservative kaysa sa inaakala mo.

Bakit?
Dahil kung puro conservative o moderate investment vehicles ang pipiliin mo, maaaring mababa ang potential return. At kapag mababa ang return, mas malaki ang chance na hindi mo maabot ang retirement fund na kailangan mo sa tamang panahon.
Pero hindi ibig sabihin nito na dapat tumalon ka agad sa high-risk investments.
Ang mas tamang gawin ay ito:
Pataasin mo muna ang risk tolerance mo by increasing your financial literacy.
Mag-aral ka muna.
Unawain mo kung paano gumagana ang iba’t ibang investment vehicles.
Alamin mo ang risk, potential return, time horizon, fees, inflation, at kung bagay ba ito sa goal mo.
Dahil ang pagiging risk averse ay madalas hindi dahil mahina ang loob mo.
Minsan, takot ka lang dahil hindi mo pa naiintindihan.
You fear the unknown.
You fear uncertainty.
You fear losing money because you do not yet understand how investing works.
Pero kapag financially literate ka na, mas malinaw mong makikita kung alin ang tunay na risky at alin ang risky lang dahil hindi mo pa naiintindihan.
Tandaan:
Ang risk ay hindi lang pagbaba ng investment value.
Ang mas malaking risk ay ang hindi mo maabot ang retirement fund na kailangan mo.
Kaya bago ka pumili ng investment, huwag munang itanong, “Safe ba ito?”
Mas magandang itanong:
“Makakatulong ba ito para maabot ko ang retirement goal ko?”
Dahil sa retirement planning, hindi sapat na hindi ka nawawalan ng pera ngayon.
Ang mahalaga, sapat ba ang magiging pera mo sa future.



Comments