top of page

Depressed PSE Prices: Opportunity Ba o Trap?

Updated: May 6

May nagsabi na kung depressed ang presyo ng mga PSE stocks, maganda ito para sa mga net buyers na naghahanap ng dividend income at dividend growth, lalo na sa mga nasa “La Vida LoDi” era na.


May point naman.

Kung ikaw ay nasa stage na ng buhay na hindi mo na masyadong kailangan habulin ang mataas na capital growth, at mas importante na sa iyo ang regular cash flow, maaaring magkaroon ng sense ang dividend investing.


Kapag bumababa ang stock price, tumataas ang dividend yield — assuming na kaya pa ring panatilihin ng kumpanya ang dividend payout nito.

Pero dito dapat maging maingat.

Hindi porke bumaba ang presyo, good buy na agad.

Hindi porke mataas ang dividend yield, magandang investment na agad.

Hindi porke nagbibigay ng dividends ngayon, siguradong magbibigay pa rin ng dividends forever.


Ang dividend ay hindi guaranteed.

Kapag hindi maganda ang takbo ng negosyo, bumaba ang kita, lumaki ang utang, humina ang cash flow, o kailangan ng kumpanya ng pera para isalba ang operations, puwedeng bawasan, ihinto, o tuluyang tanggalin ang dividends.


At dito delikado ang dividend investors.

Kasi minsan, ang akala ng investor ay “safe” siya dahil may dividends. Pero kung humina ang negosyo, dalawang bagay ang puwedeng mangyari:

Bumagsak ang stock price.

Mawala o mabawasan ang dividends.

Double damage.

Nawala na ang income na inaasahan mo, bumaba pa ang value ng capital mo.


Iyan ang dahilan kung bakit hindi puwedeng dividend yield lang ang tinitingnan. Minsan mataas ang dividend yield hindi dahil maganda ang opportunity, kundi dahil bagsak na ang stock price dahil may problema ang business.


Iyan ang tinatawag na yield trap.

Mukhang mataas ang kita mo sa dividends, pero kung bumabagsak naman ang kapital mo, at may risk pa na mawala ang dividends, baka akala mo kumikita ka pero sa total return, talo ka pa rin.


Kaya sa Retironaryo way, hindi natin tinitingnan ang dividend yield alone.

Tinitingnan natin ang buong picture:

May quality ba ang kumpanya?

Consistent ba ang earnings?

Malakas ba ang cash flow?

Sustainable ba ang dividends?

Hindi ba masyadong mataas ang payout ratio?

May growth pa ba ang business?

Kaya bang panatilihin o pataasin ang dividends kahit may crisis?

At higit sa lahat, akma ba ito sa financial goal mo?


Kasi magkaiba ang strategy ng taong nagbu-build pa lang ng retirement fund at ng taong nasa retirement stage na.

Kung bata ka pa, may 20 to 30 years ka pa bago mag-retire, at kailangan mong palakihin nang malaki ang retirement fund mo, baka hindi sapat ang dividend income strategy alone — lalo na kung mabagal ang capital growth.


Pero kung retired ka na, malaki na ang naipong capital mo, at ang goal mo ay regular cash flow, then yes, dividend investing can make sense.

Pero kahit retiree ka na, kailangan mo pa ring bantayan ang quality ng kumpanya. Dahil kung ang dividends ang inaasahan mong pambayad sa living expenses, malaking problema kapag biglang binawasan o tinanggal ang dividends.


Ang problema, maraming investors ang gumagamit ng dividend strategy kahit hindi pa ito bagay sa stage of life nila.

Gusto agad ng income, kahit maliit pa ang capital.

Gusto agad ng dividends, kahit mas kailangan pa nila ng growth.

Gusto agad ng cash flow, kahit hindi pa sapat ang retirement fund.


At minsan, nakakalimutan na ang dividends ay nakadepende pa rin sa kalusugan ng negosyo.

Hindi porke depressed ang PSE prices ay automatic opportunity na para sa lahat.

Opportunity ito para sa marunong pumili, may malinaw na goal, may sapat na capital, at naiintindihan ang risk.


Pero para sa iba, baka ang depressed market ay hindi bargain.

Baka value trap.

Baka yield trap.

Baka matagal na paghihintay.

Baka opportunity cost.


Habang hinihintay mong gumanda ang PSE, ang ibang markets ay maaaring patuloy na umaakyat. Habang masaya ka sa dividends, baka ang total return mo ay hindi pala sapat para maabot ang retirement goal mo.


Kaya ang tanong ay hindi lang:

“Mura ba ang PSE ngayon?”

Ang mas importanteng tanong ay:

“Bagay ba ang PSE dividend strategy sa goal ko, age ko, capital ko, time horizon ko, at required rate of return ko?”

At dagdag pa:

“Sustainable ba talaga ang dividends na inaasahan ko?”


Sa Retironaryo, hindi tayo anti-dividend.

Hindi rin tayo anti-PSE.

Ang ayaw lang natin ay yung investing na walang malinaw na plano at dividend yield lang ang basehan.

Dividends can be good.

Depressed prices can be good.

PSE stocks can be good.

Pero only if they fit your personal financial plan — and only if the business can continue to support those dividends.


Dahil sa dulo, hindi ang market ang pinakamahalaga.

Hindi rin ang dividend yield.

Ang pinakamahalaga ay ito:

Maaabot mo ba ang financial goal mo sa strategy na pinili mo — kahit may risk na bumaba ang presyo at mawala ang dividends?


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page