Frequent trading can quietly destroy your portfolio performance.
- retironaryo
- May 1
- 2 min read
Updated: May 6
Akala ng iba, kapag mas madalas bumili at magbenta, mas mabilis lumago ang pera.
Pero hindi palagi.

Every time na bumibili at nagbebenta ka ng stocks, may kasamang gastos:
Commission.
VAT.
PSE transaction fee.
SCCP fee.
At kapag nagbenta ka, may sales tax pa.
Maliit tingnan kung isang transaction lang.
Pero kapag ginagawa mo ito nang paulit-ulit every month, lumalaki ang epekto sa overall performance ng portfolio mo.
Halimbawa, kung gumagawa ka ng average 10 transactions per month, at karamihan dito ay buy and sell, ilang beses mong pinapadaan ang pera mo sa taxes and fees.
Bago ka pa kumita, kailangan munang mabawi ng portfolio mo ang trading costs.
Kaya minsan, akala mo active ka.
Akala mo productive ka.
Akala mo may ginagawa kang maganda sa portfolio mo.
Pero ang totoo, baka unti-unti mo lang kinakain ang potential return mo dahil sa sobrang dalas ng trading.
Hindi ko sinasabing mali ang trading.
Kung trader ka talaga, may tested strategy, may risk management, may discipline, at alam mo ang actual performance ng portfolio mo after taxes and fees, then that is different.
Pero kung ang ginagawa mo ay bili ngayon, benta bukas, tapos lipat na naman sa ibang stock dahil may nabasang post, chart, o hype sa Facebook, baka hindi strategy ang meron ka.
Baka reaction lang.
Sa retirement fund building, hindi ang dami ng transactions ang sukatan ng galing.
Ang mas importante ay ito:
Lumalaki ba ang portfolio mo at the rate na kailangan mo para maabot ang retirement goal mo?
Kaya alamin ang performance ng inyong portfolio para malaman kung effective ba ang strategy na ginagawa ninyo.
Hindi sapat na alam mo kung ilang stocks ang hawak mo.
Hindi sapat na alam mo kung magkano ang gain ng isang position.
Hindi sapat na masaya ka dahil may isang stock kang tumaas.
Ang tanong:
Ano ang CAGR ng buong portfolio mo?
Dahil ang CAGR ang tutulong sa iyo makita kung gaano kabilis talaga lumalago ang investment portfolio mo over time.
Kung madalas kang mag-trade pero mababa naman ang CAGR ng portfolio mo, baka kailangan mong pag-isipan kung effective ba talaga ang ginagawa mong strategy.
Baka busy ka lang, pero hindi efficient.
Baka active ka lang, pero hindi productive.
Baka marami kang transactions, pero hindi naman lumalapit sa retirement goal mo.
Retironaryo reminder:
Ang goal ay hindi paramihin ang buy and sell.
Ang goal ay palaguin ang portfolio nang sapat para maabot ang retirement fund na kailangan mo.
Get a copy of the spreadsheet on how to compute the CAGR of your portfolio by going to this link:
Read the post and comment CAGR.



Comments