Hindi ako fan ng VUL at endowment plan.
Updated: May 6
Hindi dahil automatic na masama sila. Ang issue ko ay clarity.

Kapag naglalabas ako ng pera, gusto kong malinaw:
Magkano ang napupunta sa insurance?
Magkano ang napupunta sa investment?
Magkano ang charges?
Ano ang realistic expected rate of return?
Sapat ba ang return na iyon para maabot ang retirement goal ko?
Kung hindi, ano ang dapat kong baguhin?
Sa akin kasi, hindi sapat ang sagot na:
“May insurance ka na, may investment ka pa.”
“Guaranteed ito.”
“Long term naman ito.”
“Disciplined savings ito.”
Maganda pakinggan, pero kailangan pa rin ng numero.
Kasi sa retirement planning, hindi tayo dapat bumibili ng produkto dahil maganda ang presentation. Dapat alam natin kung paano ito tutulong sa goal natin.
Halimbawa, kung kailangan mong kumita ng 10% per year para maabot ang retirement fund mo, pero ang produkto ay realistically 3% to 5% lang ang potential return after fees and charges, baka hindi ka makarating sa goal mo on time.
May insurance ka nga. May investment ka nga. Pero kulang pala para sa future mo.
That is why I prefer separating insurance and investment.
Kung kailangan mo ng protection, bumili ng proper insurance.
Kung kailangan mong palaguin ang pera, pumili ng investment vehicle na malinaw ang historical performance, fees, risk, and expected return.
Para mas madali mong masagot:
“Enough ba ito para sa goal ko?”
Hindi ako against insurance. Hindi rin ako against saving. Ang ayaw ko lang ay yung product na parang maraming pangako, pero mahirap makita kung saan talaga napupunta ang pera mo at kung kaya ba nitong ihatid ka sa target mo.
The Retironaryo way is simple:
Know your goal.
Know your numbers.
Know your required rate of return.
Then choose the right product.
Hindi baliktad na bibili muna ng produkto, tapos saka na lang aalamin kung bagay pala sa goal mo.



Comments