Kailan ba dapat magsimulang bumuo ng retirement fund?
- retironaryo
- May 13
- 2 min read
Ang pinakamagandang sagot: as early as possible.
May ibang parents na nagsisimula nang mag-invest para sa kanilang anak kahit bagong panganak pa lang. Bakit? Dahil sa investing, ang pinakamalakas na kakampi mo ay hindi malaking sweldo.
Time.

Imagine this.
Meron kang 1-month-old baby. Nagdesisyon kang mag-invest para sa future niya ng ₱1,000 per month, tapos tataasan mo ito ng 4% every year.
Nilagay mo ito sa isang UITF na sumusunod sa NASDAQ-100, at sabihin nating kaya nitong magbigay ng average return na 12% CAGR over the next 60 years.
Hindi ninyo ito ginalaw.
Walang palya.
Tuloy-tuloy lang.
Kahit noong naging financially independent na ang anak mo at age 20, ipinagpatuloy pa rin ang original plan.
By age 60, ang possible retirement fund?
Around ₱140 million.
Sounds impossible?
Mathematically, possible.
At kung gagamitin ang 4% withdrawal rule, ang ₱140M fund ay pwedeng magbigay ng around:
₱5.6M per year
or around
₱466,000 per month
Pero dahil 60 years from now pa iyan, kailangan nating isipin ang inflation.
Kung assuming 4% inflation per year, ang purchasing power niyan sa today’s value ay roughly:
₱44,000 per month.
Kaya importanteng maintindihan ito:
Hindi sapat na sabihin lang na “mag-invest ka.”
Kailangan alam mo ang numbers mo.
Kailangan alam mo kung magkano ang target retirement fund mo.
Kailangan alam mo kung anong return ang kailangan mong maabot.
At kailangan may sistema ka para ma-monitor kung on track ka pa rin.
Ang ginawa mo at ng anak mo para maabot ang ₱140M?
Hindi magic.
Hindi trading.
Hindi hula-hula.
Hindi buy low, sell high.
Started small. Started very early. Stayed consistent.
Pero disclaimer lang.
This is mathematically possible, but for most people, discipline and proper financial planning are needed. Hindi sapat ang may investment lang.
Kailangang hindi ka madaling ma-tempt na galawin ang pera.
Kailangang may proper emergency fund.
Kailangang may insurance or protection plan.
Kasi kapag walang safety net, ang unang magagalaw kapag may emergency ay ang retirement fund.
At kapag paulit-ulit mong gagalawin ang investment, mapuputol ang compounding.
This is not about getting rich quickly.
This is about giving time, consistency, and compounding the chance to work.
Kaya kung may anak ka, o kahit wala pa, ang lesson ay simple:
The earlier you start, the lighter the burden.
The later you start, the heavier the monthly investment needed.
Retirement planning is not just about investing.
It is about building a system that will protect your future self from becoming financially dependent on others.
That is what Retironaryo teaches.
No hype.
No shortcuts.
Just proper retirement planning, financial education, and disciplined long-term investing.



Comments