top of page

Hindi Ka Yayaman sa Market Hype!

Updated: May 8

“Up ang market ng 2%!”

“Aray, down ng 5%!”

“Bloody day!”

“All green! Time to buy!”

Sa totoo lang, mga ganitong post are not helping newbie investors.

Imbes na turuan ng tamang mindset, mas lalo lang nitong pinapakain ang fear, greed, at false hope.


Kapag green, excited bigla.

Kapag red, takot at gusto nang magbenta.

Kapag bumagsak, feeling katapusan na.

Kapag umangat, feeling henyo na.


Ganyan nasisira ang diskarte ng maraming baguhan.

Kung ang goal mo ay mag-build ng retirement fund, hindi dapat umiikot ang emotions mo sa galaw ng market araw-araw. Normal lang ang volatility. Parte talaga yan ng investing.


Ang mas mahalagang tanong ay ito:

Nag-research ka ba nang maayos?

Magaganda ba ang kumpanyang binili mo?

Aligned ba ang investments mo sa long-term goal mo?


Kung oo, hindi ka dapat basta-basta nagpapaapekto sa mga post na puro ingay lang ng market.


Ang retirement investing ay hindi paramihan ng reaction sa market.

It is about discipline, patience, and conviction.

Hindi market noise ang dapat sinusundan.

Goal mo ang dapat sinusundan.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page