Hindi Kailangang Maging Trader Para Yumaman sa Stocks!
- retironaryo
- Apr 12
- 1 min read
Hindi lahat ng strategy ng traders ay akma sa ordinaryong tao.
Oo, may ilang traders na napapabilis ang paglago ng portfolio dahil active silang bumibili at nagbebenta ng stocks. Pero aminin natin: para magawa ito nang maayos, kailangan ng malaking oras, matinding tutok sa market, at sapat na kaalaman sa analysis. Hindi ito madaling gawin ng isang ordinaryong empleyado, OFW, o taong maraming responsibilidad sa pamilya.

Para sa nakararami, ang mas praktikal na paraan para makabuo ng retirement fund ay hindi iyong laging buy and sell. Mas sustainable ang simple, consistent, at long-term na approach.
Isa sa best options ay ang regular na pag-invest sa diversified funds o broad market index funds gamit ang cost averaging. Sa ganitong paraan, hindi mo kailangang bantayan araw-araw ang market, pero tuloy-tuloy pa ring napapalago ang iyong pondo habang lumilipas ang panahon.
Pero hindi doon nagtatapos ang options mo.
Pwede mo ring pag-aralan ang fundamental analysis. Kapag natutunan mo ito, maaari mong i-allocate ang bahagi ng iyong portfolio sa individual stocks na may great fundamentals at mabibili sa fair price. Ang objective ay hindi mabilisang trading, kundi ang pag-hold sa mga dekalidad na negosyo nang pinakamatagal hangga’t maaari para mapakinabangan ang power of compounding.
Sa madaling sabi:
Hindi kailangang maging trader para yumaman sa stocks.
Para sa ordinaryong tao, mas mahalaga ang disiplina, tamang asset allocation, sapat na monthly investment, at mahabang panahon ng pag-invest.
Ang tunay na susi sa retirement fund building ay hindi pabilisan ng bentahan.
Ang susi ay consistency at compounding.



Comments