top of page

Hindi Lahat ng “Basic” ay Basic sa Beginners

May 29
1 min read

Minsan may magko-comment:

“Basic.”

Oo, maaaring basic na iyan para sa iba. Pero para sa maraming nagsisimula pa lang sa stock investing, hindi pa iyan basic.


Maraming beginners ang unang natututuhan ay:

“Hanapin ang mataas na dividend yield.”


Kapag 7%, 8%, 10%, parang automatic na maganda na agad. Pero hindi ganoon kasimple ang stock investing.


Kailangan ding maintindihan ang:

Kumikita ba nang maayos ang negosyo?

Sustainable ba ang dividends?

Bumabagsak ba ang presyo ng stock?

Lumalaki ba ang kumpanya over time?

Ano ang total return — dividends plus capital appreciation?

Makakatulong ba ito sa retirement fund goal mo?


Diyan madalas nagkakaroon ng problema. Kapag dividend yield lang ang tiningnan, puwedeng akala mo kumikita ka, pero unti-unti palang bumababa ang value ng kapital mo.


Kaya sa Retironaryo, inuulit-ulit natin ang mga simpleng konsepto. Hindi dahil gusto nating turuan ang marunong na, kundi dahil maraming ordinaryong Pilipino ang ngayon pa lang nagsisimulang matuto.


Ang goal natin ay hindi magpa-impress sa advanced investors.

Ang goal natin ay tulungan ang beginners na hindi maligaw sa maling strategy habang binubuo nila ang kanilang retirement fund.


Tandaan:

Ang “basic” para sa isang marunong na ay puwedeng maging breakthrough lesson para sa isang nagsisimula pa lang.


Kaya kung alam mo na ito, good.


Pero kung ngayon mo pa lang ito natututuhan, mas good — dahil mas maaga mong naiintindihan na sa stock investing, hindi dividend yield lang ang dapat tingnan.


Magretiro tayong milyonaryo.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page