top of page

Hindi Pa 'Yan Retirement Kung Kailangan mo Pang Mag Negosyo Para Mabuhay

Nabasa ko ang isang viral post tungkol sa isang Filipino seafarer na sinubukang gayahin ang buhay-retirement sa loob ng 60 days.


Ang budget nila: ₱75,000 per month.

Walang dollars. Walang padala. Walang income from overseas work.


Sa una, mukhang kaya. Naka-budget. Nasa spreadsheet. May plano.

Pero habang tumatagal, lumabas ang totoong realidad: mahal ang bilihin, may anak pang sinusuportahan, may emotional adjustment sa pamilya, at may mga gastos na hindi basta-basta nakikita sa papel.


Dito maraming OFWs at future retirees ang nagkakamali.

Akala nila, kapag may sariling bahay na at may konting ipon, pwede nang mag-retire. Pero ang retirement ay hindi lang simpleng “magkano ang monthly expenses ko ngayon?”


Kailangan mong isama ang:

  • Inflation.

  • Healthcare.

  • Education ng anak.

  • Emergency fund.

  • Lifestyle changes.

  • Longevity risk o posibilidad na mabuhay ka hanggang 80, 90, or beyond.

  • At higit sa lahat, kung sapat ba talaga ang retirement fund mo para hindi ka na kailangang bumalik sa trabaho.


Kung ₱75,000 per month ang kailangan mo, that is ₱900,000 per year. Using the 4% withdrawal rule, kailangan mo ng around ₱22.5 million retirement fund para masuportahan ang ganyang lifestyle for roughly 30 years.


Pero kung magre-retire ka nang maaga, halimbawa age 40 or 45, hindi sapat ang 30-year assumption. Paano kung mabuhay ka hanggang 80 or 90? Paano kung may medical emergency? Paano kung tumaas pa ang gastos?


At kung ang solusyon ay magtayo ng negosyo tapos ikaw mismo ang magpapatakbo araw-araw para masuportahan ang pamilya, hindi pa iyon tunay na retirement.


That is not retirement.

That is just changing jobs.

From seafarer to business operator.

From employee to self-employed.

From working abroad to working at home.


May dignity pa rin iyon, pero dapat malinaw ang tawag: transition, not retirement.

Kaya napakahalaga ng proper retirement planning. Hindi sapat ang “may ipon ako.” Hindi sapat ang “may bahay na kami.” Hindi sapat ang “simple lang naman ang buhay namin.”


Ang tunay na tanong:

Magkano talaga ang kailangan mong retirement fund?

Gaano katagal dapat tumagal ang pera mo?

Ano ang investment return na kailangan mong abutin?

At ano ang plano mo kung hindi sapat ang numbers?


Retirement is not just about stopping work.


Retirement is having enough assets to support your life without being forced to work again just to survive.


Kaya habang may income pa, habang may panahon pa, habang kaya pang mag-invest, paghandaan na.


Dahil mas mahirap mag-adjust kapag malapit ka nang mag-retire at doon mo pa lang malalaman na hindi pala sapat ang plano mo.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page