“Hindi sustainable forever ang mataas na return.”
- retironaryo
- May 6
- 2 min read
Tama. Pero tanong ko lang…
Dapat ba itong maging dahilan para hindi ka na mag-invest for your retirement?
Sa tingin ko, hindi.

Ang totoo, walang investment na may kasiguraduhan sa future return. Kahit pa anong fund, stock, negosyo, o asset class, walang makakapagsabi nang eksakto kung magkano ang kikitain nito taon-taon sa hinaharap.
Pero hindi dahil walang guarantee ay hihinto na tayo.
Bilang tao, likas sa atin ang maghangad ng mas magandang kinabukasan. Dahil dito, tuloy-tuloy ang development, innovation, at improvement sa mundo. Gumagawa ang mga kumpanya ng mas magagandang produkto at serbisyo. Umuunlad ang teknolohiya. Lumalago ang ekonomiya. At dahil diyan, sa long term, tumataas din ang value ng maraming businesses.
Kung titingnan mo ang world stock market history, hindi naman ito straight line pataas.
May mga taon na bumabagsak ito dahil sa recession, inflation, gyera, pandemya, o kung ano mang krisis. Pero sa kabila ng mga iyan, kung long term ang titingnan mo, ang general direction ay pataas pa rin.
Iyan ang mahalagang maintindihan ng isang nagpa-plano para sa retirement.
Ang goal mo ay hindi hulaan kung anong mangyayari next year.
Ang goal mo ay sumabay sa long-term growth ng mundo at ng mga negosyo sa loob ng maraming taon.
Hindi naman natin kailangan ng certainty.
Ang kailangan natin ay reasonable probability na lalaki ang pera natin over time.
At para mangyari iyon, kailangan ng:
mahabang panahon
consistent investing
tamang investment vehicle
disiplina
at kakayahang tiisin ang volatility
Dito pumapasok ang kahalagahan ng financial literacy.
Kapag naintindihan mo na normal lang ang ups and downs ng market, hindi ka basta-basta matatakot sa panandaliang pagbaba. Maiintindihan mo na ang volatility ay parte ng biyahe, hindi automatic na senyales na mali ang direksyon mo.
Ang mas malaking risk para sa retirement mo ay hindi ang market fluctuation.
Ang mas malaking risk ay:
ang hindi magsimula, ang hindi maging consistent, at ang maubusan ng panahon habang wala ka pang sapat na pondo.
Kaya oo, pwedeng hindi sustainable forever ang sobrang taas na return.
Pero hindi iyon ang punto.
Ang punto ay ito:
May mga investment vehicle na historically kayang magpalago ng pera sa long term.
At kung gusto mong magkaroon ng magandang retirement, kailangan mong bigyan ng pagkakataon ang pera mo na lumago.
Huwag mong hintayin ang “sigurado.”
Sa investing, halos wala namang ganoon.
Ang kailangan mo ay tamang strategy at tuloy-tuloy na pagkilos.
Hindi perfect future ang hinahabol natin.
Mas better future ang pinagpaplanuhan natin.
At para mangyari iyon,
kailangan magsimula.



Comments