top of page

Huwag Bumili Dahil Sikat sa Influencer

May 7
1 min read

When buying individual stocks, huwag basta-basta bumili dahil lang nakita mo sa post ng influencer, vlogger, o sikat na investor.

Tandaan: maaaring profitable na sila dahil matagal na nilang nabili ang stock na iyon. Habang ikaw naman, ngayon ka pa lang papasok dahil nakita mong “umaakyat na” at natatakot kang maiwan.


Dito madalas nasusunog ang mga newbies.

Bumibili dahil sa hype.

Bumibili dahil sa FOMO.

Bumibili kahit hindi naiintindihan ang negosyo.

Bumibili kahit hindi alam kung overpriced na ba.

Bumibili kahit walang sariling analysis.


At sa stock market, kadalasan, ang pera ay lumilipat mula sa mga nagmamadali papunta sa mga marunong maghintay.

The patient investor usually benefits from the impatient investor.


Kaya bago ka bumili ng individual stock, itanong mo muna:

“Bumibili ba ako dahil may analysis ako, o bumibili ako dahil natatakot akong maiwan?”


Kung FOMO ang dahilan, mag-ingat.

Hindi investing ang ginagawa mo.

Baka nakikisakay ka lang sa hype.


Sa stock investing, hindi sapat ang “may bumili kasi na sikat.”

Kailangan mo ng tamang kaalaman, sariling plano, at disiplina.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page