“Invest Today, Iyak Later?”
- retironaryo
- May 13
- 2 min read
May isang senior na mukhang may kaya at nakatira sa abroad ang nag-comment sa post ko:
“Invest today, iyak later.”

Honestly, nagulat ako.
Hindi dahil hindi siya pwedeng magbigay ng opinion. Karapatan naman ng lahat yan. Pero nagulat ako kasi galing ito sa isang senior na mukhang financially okay ang buhay.
Malamang, nasabi niya iyon dahil may stable income siya, may pension, or may financial support system na gumagana para sa kanya.
Kung ganoon, maswerte siya.
Pero ang tanong ko:
Yan ba ang mindset na gusto nating ipamana sa mga anak natin?
Na kapag pinag-usapan ang investing, ang unang reaction ay takot?
Na kapag sinabi mong maghanda para sa future, ang sagot ay “iyak later”?
Na kapag tinuruan mong mag-ipon, mag-invest, at magplano para sa retirement, ang tingin agad ay siguradong talo?
Hindi naman ibig sabihin na kapag nag-invest ka ngayon, siguradong yayaman ka. Hindi rin ibig sabihin na walang risk. Totoo, may risk ang investing. Pwedeng bumaba ang value. Pwedeng magkamali. Pwedeng hindi agad kumita.
Pero mas malaki ang risk kapag wala kang plano.
Mas malaki ang risk kapag tumanda ka na at saka mo lang na-realize na kulang pala ang pension mo.
Mas malaki ang risk kapag ang retirement plan mo ay umasa sa anak.
Mas malaki ang risk kapag habang may panahon ka pa sana para matuto, nagpadala ka sa takot at pangungutya ng iba.
Kaya para sa akin, hindi “invest today, iyak later.”
Mas tama siguro ito:
Walang plano today, iyak later.
Walang disiplina today, hirap later.
Walang financial education today, asa later.
Kung ikaw ay senior na at okay ang buhay mo, good for you. Pero sana gamitin natin ang experience natin para gabayan ang mas bata, hindi para takutin sila sa paghahanda para sa future.
Hindi lahat may malaking pension.
Hindi lahat may generational wealth.
Hindi lahat may anak na kayang sumalo sa kanila.
Kaya habang may panahon pa, matuto. Magplano. Alamin ang tamang strategy. Huwag basta-basta susugal, pero huwag ding matakot gumawa ng paraan.
Ang investing ay hindi hula-hula kung tama ang proseso. Hindi ito get-rich-quick. Hindi ito magic.
It is a long-term preparation for a future na darating sa ating lahat.
Kaya kung ang gusto mong ipamana sa mga anak mo ay takot, sarcasm, at hopelessness, choice mo iyon.
Pero sa Retironaryo, ang gusto naming ipamana ay financial literacy, discipline, planning, and hope.
Because someday, darating ang retirement.
At pagdating ng araw na iyon, mas masarap umiyak dahil thankful ka na naghanda ka…
kaysa umiyak dahil huli na ang lahat.



Comments