top of page

Kailan ang Tamang Panahon Para Magplano Para sa Retirement?

Updated: May 6

Kailan ang tamang panahon para magplano para sa retirement?

Ang totoo, ang sagot ay NGAYON.


Marami ang nag-iisip na ang retirement planning ay para lang sa malapit nang mag-retire. Mali iyon. Ang retirement planning ay hindi nagsisimula kapag matanda ka na. Nagsisimula ito sa araw na kumikita ka na at may kakayahan ka nang magtabi, kahit maliit.


May “too early” ba?

Halos wala. Kapag maaga kang nagsimula, mas malaki ang advantage mo dahil kakampi mo ang oras. Kahit maliit lang ang nai-invest mo sa umpisa, may pagkakataon itong lumago over many years. Ibig sabihin, mas magaang ang burden sa iyo buwan-buwan.


May “too late” ba?

Meron. Kapag sobrang tagal mong ipinagpaliban, mas kokonti ang natitirang oras para palaguin ang pera mo. Dahil dito, mas lalaki ang kailangang mong i-save at i-invest para makahabol sa goal. Pero kahit late ka nang nagsimula, mas mabuti pa rin ang may plano kaysa wala.


Ang problema kasi sa maraming tao, iniisip nila na retirement is a concern for “future self.” Pero darating at darating ang panahong iyon. At kapag dumating iyon nang wala kang sapat na naipon at na-invest, doon mo mararamdaman na sana nagsimula ka nang mas maaga.


Kaya huwag mong tanungin kung bata ka pa ba para magplano.

Huwag mo ring hintayin na malaki na ang sweldo mo bago magsimula.

Ang mas mahalagang tanong ay ito:

Kung hindi ngayon, kailan?

Retirement planning is not about being old.

It is about being prepared.

It is about giving your future self a better life.


At ang pinakamagandang oras para simulan iyon ay ngayon.

The best time to plan for retirement is NOW!


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page