top of page

Karamihan sa mga nag-comment na gustong magkaroon ng ₱20M retirement fund ay mga senior na o malapit nang mag-retire.

Updated: May 6

Bakit kaya?

Kasi kadalasan, doon lang natin nararamdaman ang bigat ng retirement kapag malapit na tayong mawalan ng regular na kita. Doon lang natin naiisip ang tanong na:

“Sapat ba ang perang naipon ko para mabuhay nang komportable kapag hindi na ako nagtatrabaho?”


Samantala, habang bata pa tayo at may trabaho, hindi natin masyadong iniisip ang retirement. May sweldo pa. May panggastos araw-araw. May lakas pa para maghanapbuhay. Kaya parang malayo pa ang problema.


Pero ang masakit na katotohanan:

Kapag na-realize mo ang halaga ng retirement planning kung kailan senior ka na, baka kulang na ang oras para paghandaan ito.


Hihintayin pa ba natin na tumanda tayo, mawalan ng trabaho, at mawalan ng kakayahang kumita bago natin seryosohin ang paghahanda para sa retirement?


Habang bata ka pa, habang may income ka pa, habang may time ka pa — iyan ang pinakamagandang panahon para magsimula.


Hindi kailangan malaki agad. Ang mahalaga ay magsimula, magplano, mag-aral, at maging consistent.


Dahil ang retirement ay hindi biglang dumarating.

Pinaghahandaan ito.


Isip-isip.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page