top of page

KNOW YOUR NUMBERS FIRST!

Updated: May 6

Maraming nagtatanong:

“Saan ba magandang mag-invest?”

Pero bago natin sagutin kung saan, mas importante munang sagutin ang:

Para saan? Magkano ang kailangan? Kailan kailangan? At magkano ang kaya mong i-invest?


Let’s use Nario as an example.

Si Nario ay 25 years old. Plano niyang mag-retire at age 60. Ibig sabihin, meron siyang 35 years para mag-save at mag-invest.


Kung ang lifestyle na gusto niyang ma-enjoy pag-retire niya ay worth ₱50,000 per month today, hindi ibig sabihin na ₱50,000 pa rin ang kailangan niya pagdating ng age 60.

Dahil sa inflation na 4% per year, ang ₱50,000 monthly lifestyle today ay magiging around ₱197,000 per month after 35 years.


Kung gagamit siya ng 4% withdrawal rate para ang retirement fund ay tumagal nang around 30 years, kakailanganin niya ng retirement fund na around:

₱59.2 million


Now here is the big question:

Kung mag-iinvest si Nario ng ₱5,000 per month for 35 years, anong annual rate of return ang kailangan niya para maabot ang ₱59.2M?


Based on the computation, kailangan niya ng around:

14.23% net annual return


Dito nagiging importante ang “knowing your numbers.”


Kapag alam mo ang required rate of return mo, mas malinaw kung anong klase ng investment strategy ang kailangan mo.


Kung mababa lang ang required return mo, maaaring sapat na ang more conservative or balanced investments.


Pero kung mataas ang required return mo, kailangan mong pag-aralan ang mga investment vehicles na may mas mataas na growth potential — habang naiintindihan mo rin ang volatility at risks nito.


Hindi sapat na basta mag-invest lang kung saan uso.

Hindi rin sapat na basta bumili ng dividend stocks, MP2, index funds, UITFs, ETFs, or individual stocks nang walang malinaw na goal.


Ang tamang tanong ay:

Makakatulong ba ang investment strategy na ito para maabot ko ang retirement fund goal ko?

Proper asset allocation and diversification should not only minimize volatility. Dapat mataas din ang expected return para maabot mo ang required rate of return mo.


Kaya bago pumili ng investment, alamin muna ang numbers mo.

Dahil sa retirement planning, hindi hula-hula ang dapat ginagawa.

Dapat may goal. May computation. May strategy.


That is how you build your retirement fund the no-nonsense way.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page