Kung ang akala mo na walang 15% CAGR portfolio investment for the long term, you are missing a lot.
- retironaryo
- May 5
- 2 min read
Updated: May 6
Marami kasi ang sanay lang tumingin sa mga investment na mababa ang growth kaya ang tingin nila, ang 15% CAGR ay pang-imposible na. Kapag narinig ang ganyang number, ang automatic na sagot agad ay:
“Wala namang ganyan.”
“Too good to be true yan.”
“Baka misleading yan.”

Pero ang totoo, hindi dahil hindi mo pa nakita ay ibig sabihin wala na.
Ang problema, maraming investor ang ang alam lang ay savings account, time deposit, MP2, dividend stocks, o kaya broad index funds. Walang masama sa mga iyan. In fact, may tamang gamit ang bawat isa. Pero kung doon lang umiikot ang kaalaman mo, natural na iisipin mong sobrang taas na ng 15%.
Ang hindi naiintindihan ng marami ay may mga portfolio na kayang lumampas diyan lalo na kung:
marunong kang pumili ng tamang kumpanya,
marunong kang tumingin ng fundamentals,
bumibili ka sa tamang valuation,
may mahabang time horizon ka,
at may disiplina kang huwag magpadala sa takot at ingay ng market.
Hindi ko sinasabing guaranteed ang 15% every year. Hindi ganoon ang stock market. May taon na mataas, may taon na mababa, at may taon na negative pa. Pero ang punto ay possible ang ganitong long-term average return kung may tamang kaalaman at tamang strategy.
Sa personal kong experience, masasabi ko na ang portfolio ko ay nasa around 25% CAGR for the past 5 years. Kaya para sa akin, ang 15% CAGR is not extraordinary. Pero hindi ibig sabihin nito na madali siya. Kailangan niyan ng aral, tiyaga, tamang sistema, at emotional discipline. Hindi ito para sa tamad mag-aral at gusto ay spoon-feeding lang.
Kaya kung ang mindset mo ay “wala namang 15% long-term”, baka ang totoo ay kulang lang ang exposure mo sa mga possible strategies at tamang stock selection.
At ito ang mas mahalagang tanong:
Kung ang required rate of return mo para maabot ang retirement goal mo ay 15%, 16%, o 18% — anong gagawin mo?
Magpapakulong ka ba sa paniniwalang “wala namang ganyan,” o aaralin mo kung paano tataasan ang chance mong maabot ang goal mo?
Dahil sa retirement planning, hindi sapat ang opinyon.
Ang kailangan ay numbers, strategy, at tamang kaalaman.
Hindi porke’t mahirap, imposible na.
Hindi porke’t hindi common, hindi na totoo.
At hindi porke’t hindi alam ng marami, wala na.
Kung gusto mong maabot ang malaking retirement fund, kailangan mong lawakan ang kaalaman mo—dahil baka ang investment na hinahanap mo ay hindi mo lang talaga naiintindihan pa.



Comments