top of page

Magkano Nga Ba ang Kapital?

Updated: May 6

Parang ang sarap nga naman isipin: “May pambayad na ng kuryente!”

Maraming naa-attract kapag nakakakita ng post na may PHP 10,084.15 na dividend sa isang buwan.


Pero ang tanong…Magkano ang kapital para makarating sa ganyang dividend?

Sa screenshot, makikita na ang eligible shares ay 41,311.5526.

Para malaman ang estimated capital, kailangan mo lang i-multiply ang bilang ng shares sa kasalukuyang NAVPU ng fund.

Kung ang NAVPU as of April 17, 2026 ay 47.2232, ang estimated value ng investment ay:

41,311.5526 x 47.2232 = humigit-kumulang PHP 1.95 million. Ibig sabihin, para makatanggap ng dividend na nasa PHP 10,084.15, kailangan mo muna ng kapital na nasa paligid ng PHP 1.95M, based sa presyong ginamit.


Ngayon, dito na pumapasok ang mas mahalagang usapan.

Madaling ma-excite sa nakikitang dividend.

Pero mas importanteng itanong:

Gaano katagal mong mabubuo ang PHP 1.95M?

Magkano ang kaya mong i-invest regularly?

At sapat ba ang strategy na ito para marating mo ang financial goal mo on time?

Kasi hindi porke’t maganda tingnan ang monthly dividend ay iyon na agad ang best strategy para sa iyo.


Minsan, ang nakikita ng tao ay ang cash flow ngayon.

Pero ang hindi agad nakikita ay ang laki ng kapital na kailangan at ang tagal ng panahon para mabuo iyon.


At tandaan din ito:

By the time na mabuo mo ang ganyang kalaking kapital, malamang ang PHP 10,000 na dibidendo ay maliit na rin ang halaga dahil sa inflation.


Sa madaling salita, puwedeng mukhang malaki ang 10K per month ngayon, pero baka pagdating ng panahon na maabot mo ang kapital na kailangan, hindi na ganoon kalakas ang buying power nito.


Kaya bago ka maengganyo sa mga fina-flex na dividends, huwag mo lang tanungin:

“Magkano ang matatanggap ko kada buwan?”

Mas magandang tanungin mo rin:

“Ilang taon ko itong bubunuin?”

“Pagdating ng panahong iyon, sapat pa ba ang halaga ng matatanggap kong dividend?”

“At ito ba ang pinakamabisang paraan para maabot ko ang retirement fund goal ko?”


Dahil sa retirement planning, hindi sapat na mukhang maganda ang strategy.

Ang mahalaga ay kung aakma ito sa goal mo, sa timeline mo, at sa kapasidad mong mag-invest.


Hindi lang dapat cash flow ang tinitingnan. Dapat alam mo rin kung gaano kalaking kapital ang kailangan, gaano katagal ito bubuuin, at kung ano na lang ang magiging halaga nito pagdating ng araw.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page