Mataas ang Fee..Pero Mas Mataas ang Kita!
- retironaryo
- Apr 7
- 1 min read
Fund A has a management fee of 1.5%, but even after fees, it still delivers a 9% net return. Fund B has a management fee of only 0.5%, but its net return is just 7%. Ano ang pipiliin mo?

Maraming investors ang agad naa-attract sa mas mababang fee. Pero ang mas importanteng tanong ay: magkano ba talaga ang naiuuwi mong kita pagkatapos ng fees?
Kung ang Fund A ay may mas mataas na fee pero nagbibigay naman ng mas mataas na net return, puwede pa rin itong maging mas magandang choice kaysa sa fund na mababa nga ang fee pero mababa rin ang kinikita mo.
Sa investing, hindi sapat na tingnan lang ang management fee.
Ang mas dapat pagtuunan ng pansin ay ang actual result ng investment mo.
Hindi pinakamababang fee ang dapat habulin — kundi ang fund na may pinakamagandang net return para makatulong sa pag-abot ng goal mo.



Comments