top of page

MP2 is Good, But is it Enough for Your Retirement Goal?

Updated: May 6

Hindi ko sinasabing hindi magandang investment ang MP2. Magandang instrument ito para sa tamang tao at sa tamang sitwasyon. Pero ang tanong: akma ba ito sa goal mo?

Sa retirement planning, hindi sapat na mag-invest ka lang dahil narinig mong “tax-free ang MP2,” “guaranteed ang capital ng gobyerno,” “6–7% ang dividend,” o “talo nito ang inflation.” Magaganda iyang katangian na iyan, pero hindi iyan ang pinakaimportanteng tanong.


Ang mas mahalagang tanong ay ito: Sapat ba ang kikitain mo sa MP2 para marating mo ang retirement fund goal mo sa tamang panahon?

Diyan nagkakatalo. Dahil kahit sabihin nating nalalampasan ng MP2 ang inflation, hindi ibig sabihin ay sapat na iyon para maabot mo ang target mo. Parang tumatakbo ka nga nang mas mabilis kaysa inflation, pero dikit na dikit pa rin ito sa likod mo. Samantalang ang retirement goal mo, napakalayo pa. Ang kailangan mo ay hindi lang basta mas mabilis sa inflation. Ang kailangan mo ay rate of return na sapat ang bilis para maabot mo ang gusto mong retirement fund bago ka magretiro.

Kaya bago ka magtanong kung maganda ba ang MP2, mutual fund, UITF, stocks, REITs, o ibang investment, ang unang tanong dapat ay: Alam mo ba ang retirement fund goal mo?


Kung hindi mo alam ang target amount mo, ang time horizon mo, at ang kaya mong i-invest regularly, paano mo malalaman kung tama ang investment vehicle mo? Paano mo malalaman kung sapat ang bilis ng takbo mo?


Walang saysay ang pagpili ng investment kung hindi mo alam kung saan ka papunta.

Sa retirement planning, dapat malinaw muna ang:

  1. gaano kalaking retirement fund ang kailangan mo,

  2. kailan mo ito kailangan, at

  3. anong rate of return ang required para marating iyon.


Pag alam mo na ang mga numerong iyan, saka mo masasabi kung bagay sa iyo ang MP2 o hindi.


Hindi lahat ng “magandang investment” ay tamang investment para sa iyo.

Ang tamang investment ay iyong tumutulong sa iyo na maabot ang personal mong goal sa tamang panahon.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page