NAGHAHANAP ka ba ng alternative sa MP2?
- retironaryo
- Apr 30
- 2 min read
Updated: May 6
Huwag gross interest ang tingnan. NET RETURN ang ikumpara.
Maraming naghahanap ng bank alternative instead of Pag-IBIG MP2 dahil may mga bangko na nag-aalok ng matataas na interest rates.

Okay lang mag-compare. Pero dapat tama ang comparison.
Ang MP2 dividend ay tax-free.
Ang bank interest ay usually may 20% withholding tax.
Pero importante ring tandaan:
Ang MP2 dividend ay hindi guaranteed at nagfa-fluctuate taon-taon.
Hindi ibig sabihin na dahil mataas ang dividend rate ngayon, ganoon na rin ito every year. Ang MP2 dividend ay nakadepende sa performance ng Pag-IBIG Fund at sa dividend rate na idinedeklara nila annually.
Kaya ang comparison natin ay hindi para sabihing “sure” na laging mas mataas ang MP2.
Ang point dito ay:
Kapag ikukumpara mo ang MP2 sa bank interest, dapat net return ang basis, hindi gross interest.
Ganito ang computation:
Kung halimbawa ang MP2 dividend ay 7.12% tax-free, hindi sapat na maghanap ng bank na nagbibigay din ng 7.12% gross interest.
Sa bank, ang makukuha mo lang after tax ay:
Net interest = Gross interest × 80%
Bakit 80%?
Dahil may 20% tax, so ang matitira lang sa iyo ay 80% ng gross interest.
Ngayon, gusto nating malaman:
Magkano dapat ang gross bank interest para ang net nito ay maging katumbas ng MP2 na 7.12%?
Gross bank interest = MP2 dividend ÷ 0.80
Gross bank interest = 7.12% ÷ 0.80
Gross bank interest = 8.90%
Result:
Para mapantayan ang MP2 na 7.12% tax-free,
kailangang ang bank ay magbigay ng 8.90% gross interest.
In short:
MP2 7.12% tax-free = Bank 8.90% gross
Halimbawa pa:
Kung ang bank ay nag-aalok ng 8% gross interest, ang net mo ay:
8% × 80% = 6.40% net
So kahit mukhang mataas ang 8%, mas mababa pa rin ito sa 7.12% tax-free na MP2 example.
Pero again, tandaan:
Hindi guaranteed ang 7.12% MP2 dividend.
Pwedeng tumaas. Pwedeng bumaba. Nagbabago ito taon-taon.
Kaya bago ka pumili between MP2 and bank, tanungin muna:
Gross rate ba ito o net na?
Guaranteed ba ang rate?
Promo rate lang ba ito?
Gaano katagal ang lock-in period?
Gaano ka-liquid ang pera?
Ano ang risk?
Bagay ba ito sa goal ko?
Hindi porke mas mataas ang advertised bank interest, mas maganda na agad.
Hindi rin porke maganda ang historical MP2 dividends, automatic na iyon din ang kikitain mo in the future.
Ang tamang approach:
Compare net return. Understand the risk. Know the lock-in period. Match it with your goal.
Retironaryo reminder:
Kapag naghahanap ka ng alternative sa MP2, huwag basta tumingin sa malaking percentage.
Tingnan kung gross or net, taxable or tax-free, guaranteed or variable, at kung bagay ba talaga sa goal mo.
Dahil sa investing at saving, hindi lang mahalaga kung magkano ang rate.
Ang mas mahalaga:
Magkano ang tunay na mapupunta sa iyo, at gaano ka kasigurado na makukuha mo ito?



Comments